Nakasimangot at hindi maipinta ang mukha ni Christian ng magising siya kinabukasan. Maayos naman at mahimbing ang naging tulog niya dahil sa bukod sa nagka-ayos na sila ni Danica ay katabi pa niya itong natulog kagabi. Pero kabaliktaran nun ang nararamdaman niya ngayong magising s'ya. Sobrang sakit ng kanyang katawan lalo na ang kanyang likod at kalamnan na parang nabaguhan yon sa hinigan n'ya. Yon kasi ang unang beses siyang natulog sa papag na may manipis na mattress kaya siguro nananakit ang kanyang katawan. "Damn!" nakangiwing anas n'ya habang minamasahe ang masakit na parte ng kanyang katawan. Nag-stretching din s'ya habang nakaupo sa kama at lalong nagusot ang mukha n'ya ng parang nangalas lahat ng buto n'ya sa katawan. Naririnig din n'ya ang tunog na nililikha ng bawat pag-iinat (s