Krizzia's POV Walang habas kong pinagpapatay ang lahat ng mga unsound na nadadaanan ko habang patungo sa pinakaharap ng Blackwell. Hindi ko sinasabing kakampi ako ng mga Valerious, ganoon na din na kakampi pa ako ng mga Hearthstone at Sally. Wala akong kinakampihan sa kanila. Lahat ng galit at poot na nararamdaman ko, inilabas ko sa pagpapatay ng lahat makakasalubong kong nilikha ni Brellio. Hindi na ako magtataka na ganito ang nangyari dahil umpisa pa lang na kinuha ko na si Dylan at iniwan sila sa gitna ng nag-uumpisang laban, tinalikuran ko na si Sally. May papasugod sa akin na isang unsound vampire. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang biglang may humawak sa aking magkabilang braso at tila pinipigilan akong manlaban. Apat na unsound laban sa isa. Kaya ko sila. Nahuli ako nang

