NATATARANTANG bumangon si Dylan nang makita na wala si Krizzia sa kaniyang tabi. Agad siyang nagbihis at nagtungo sa ilog para tignan kung nandoon ang babae pero siya ay nanghina nang makitang walang katao-tao doon. "Sa tingin mo, nasaan siya?" Natatarantang tanong ng dating Dylan. Muli silang nagpalit. Si Dylan na nakatira sa kasalukuyan naman ang naghari sa sarili niyang katawan. "Ang alam ko lang, ang Blackwell ang una niyang lugar na alam sa panahon na 'to. Kasama na 'tong lugar na ito." "Kung ganoon, kailangan nating pumunta sa Blackwell." Sabi ng dating Dylan na tinanguan naman ni Dylan. Mabilis na tumakbo si Dylan habang binabagtas ang daanan na nakita niya pero agad siyang tumigil sa pagtakbo nang may naisip. "Hindi ba magagalit si Krizzia? Baka mamaya ay magkasalisihan tayo