Dylan's POV Asar na ako. Asar na asar. Napahinga na lang ako ng malalim para pigilan ang sarili ko na wasakin ang pinto na nasa harapan ko. "Krizzia." Seryoso kong tawag sa kaniya pero hindi niya pa din binuksan ang pinto. Naiuntog ko na lang ang noo ko sa nakasaradong pinto. It's hopeless. Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Simula nang makaalis dito ang mga pinsan kong ugok, naging ganito na siya. Iwas sa akin at kinulong ang sarili sa guest room. "Krizzia, kung may kasalanan ako. Sabihin mo naman, o. Asawa mo ako. Mag-usap tayo." Panunuyo ko pero failed dahil dumaan na ang isang oras, hindi niya pa rin binubuksan ang pinto. Akala ko buong araw siya magkukulong pero nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto na kinasasandalan ko at natumba ako. Napalunok ako nang makita an