"Tita" Mahinang tawag nya na sakto lang umabot sa pandinig nito. "Aya!" Sagot nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Ano po ang ginagawa nyo rito?" Nakuha nyang itanong kahit halos sumabog na ang dibdib nya sa takot rito. "Kanina pa kita hinihintay Aya!" "Para po saan?" Tanong nya na hindi kumikilos sa pagkakatayo sa may pinto. "About Joshua! About my son!" Matigas na sagot nito at huminto sa tapat nya. Tinignan sya nito ng masama, nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Joshua ba..-" Pero hindi nya natapos ang sasabihin, dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya. Pakiramdam nya nabingi sya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Napahawak sya sa namamantal nyang pisngi. "Tita..." Nanginginig na sabi nya. "How dare you Aya! Paano mo nagawa sa akin to? Paano mo k