Matapos syang isayaw ni Sean, kaagad syang nagpaalam na pupunta lang ng comfort room. Pero hindi na sya nakabalik. Alam nyang mag-aalala ito, kaya naman nag text sya rito na masama ang pakiramdam kaya nauna ng umuwi. Alam nyang kasalanan ang magsinungaling, pero kailangan. "Aya" Tawag mula sa may hagdan. Mabilis syang lumingon at nakita si Joshua. Ngumiti sya at mabilis na tumakbo palapit sa nobyo. Niyakap nya ito ng mahigpit. "I thought, hindi ka makakarating" Bulong nya rito. "Pwedi ba naman hindi" Sagot nito at hinalikan sya sa buhok. "Thank you so much" Naiiyak na sabi nya at kumalas ng pagkakayakap rito. Sinulyapan nya ng suot nitong black suit without tie and black converse. May bitbit pa ito sa kamay. White roses. "For you" Nakangiting sabi nito at iniabot ang mga rosas. Naiiya