"Nasa baba na si Sean hija" Sabi ng Nanay Alma nya ng pumasok ito sa silid nya, habang inaayusan sya ng make up artist na kinuha pa ng Tita Maristel nya para ayusan sya. "Ang ganda-ganda mo naman Aya, dalagang dalaga kana talaga" Magiliw na sabi nito at hinawakan ang gown nya. "Bagay na bagay sa iyo ang kulay ng gown mo, marunong talagang pumili ang Tita Maristel mo" Patuloy nito. Kanina pa nya hindi nakikita ang Tita Maristel nya mula ng makausap nya ito sa sala. Hindi pa nya ito nakikita. Naiisip tuloy nya na iniiwasan sya nito, pero ayaw na muna nyang mag isip ng kung anu-ano. Kailangan muna nyang i enjoy ang prom. Dahil minsan lang sa buhay nya ang ganitong pagkakataon at hindi nya hahayaang masira. "Salamat po, nanay Alma" Nakangiting sagot nya habang pinagmamasdan ang sarili sa fu