"What if hindi ka maka attend bukas?" Nag-aalalang tanong nya mag-usap sila ni Joshua sa Music room. "I will be there Aya! Gagawa ako ng paraan para makarating. Just promise me na gumawa ka rin ng paraan na takasan si Sean" Sagot nito. Alam nyang unfair kay Sean ang basta nalang iwan sa prom, pero wala syang magagawa. Unfair din naman sa kanya na maging partner ito, samantalang si Joshua ang gusto nyang maging partner. Pero syempre malabo nga namang mangyaring silang dalawa ang mag partner ni Joshua, sa dinami-dami ng mga ka eskwela nyang lalaki. Marami ang magtataka kung bakit ito ang partner nya pag nagkataon. "Promise, maghihintay ako" Nakangiting sagot nya. "We can meet sa roof top, after my game" Sabi nito. Tumango sya at lumapit sa nobyo. "We can do this right?" "Yes we can! Why