"Ako na maghahatid sa iyo sa bahay" Sabi ni Sean ng paglabas nya ng classroom nakita ang binata sa may hagdan. May bitbit pa itong bulaklak at chokolate. "For you"Sabi nito sabay abot sa kanya ng mga dala. Alanganin syang ngumiti at walang nagawa kaya tinanggap nalang nya ang mga iyon. "Thank you" "Tita Maristel called me, she invited me for a dinner tonight" "Dinner?" "Yeah,nagulat nga ako eh. Tatanggi pa ba ako" Nakangiting sabi nito. Kung invited si Sean sa dinner at invited din si Mae. Ano ang mangyayari sa kanila? "Ah.. I see" Tanging sagot nya at nagtuloy na sa paglalakad. May usapan sila ni Joshua na magkikita sa Ice Cream House, may praktis pa kasi ito. Pero paano sya makakapaghintay doon kung nandito na si Sean para sunduin sya. "Let's go?" Tanong nito, wala sa sariling