*Kathnisse's POV Nagising akong masakit ang katawan lalo na ang nasa gitna ng hita ko, wala na si Aled sa tabi ko. Siguro ay pumasok na ito. Napangiwi ako ng hindi ako makagalaw ng maayos. Para akong nabalian ng buto. May suot na akong damit, isang malaking sky blue na shirt. May underwear pero walang bra. Siya ang nagbihis sa akin? Napailing ako. Nakita na niya ang lahat-lahat sa akin, ngayon pa ba ako mahihiya? Napahawak ako sa mukha ko, sobrang init nito dahil sa pamumula ko at idagdag mo pa na parang nilalagnat ako. Sinipat ko ang leeg ko. Mainit nga talaga ako. Okay naman ako kahapon, ah? Bakit naman ako nilagnat? Unti-unti akong bumangon at kumuha ng bra na maisusuot ko, naghilamos na rin ako at nagmumog. Pinilit kong inayos ang paglalakad ko kahit na masakit ang nasa gitna ko.