*Kathnisse's POV Matapos kong maligo ay tinuyo ko ang sarili ko gamit ang tuwalya. Lumabas ako ng banyo at akmang kukunin ko na ang lotion ng magring ang telepono ko. Audrey's calling Gabi na, ah? Bakit pa kaya tumatawag si Audrey? "Hello?" "Hi, Kath" bati nito sa akin, "kailangan mong suotin ang pinamili nating nighties, ha? I like the color red and you should wear it tonight." Aniya. Naalala ko ang mga 'yon. Ang akala ko ay mga damit lang ang bibilhin namin noong nakaraang araw pero, may binili siyang mga nighties at lingerie. "Kailangan ba talaga 'yon?" Nahihiya kong sagot sa kanya. "Of course! Just wear it." Aniya sa kabilang linya. "Pero..." Napatingin ako sa cell phone ko, binabaan niya na ako. Inilapag ko ang cellphone ko at naglakad sa malaking closet at binuksan kung saa