Kathnisse's POV Tahimik lang kaming nakaupo sa couch. Kanina pa siya nakayakap lang sa akin at ayaw akong bitawan. Hinayaan ko nalang siya dahil wala naman akong ibang magagawa para gumaan ang nararamdaman niya. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at maya-maya ay nakita kong pumasok ang mag-asawang Vautier. Kaagad na napatingin si Mrs. Vautier sa anak at naiiyak na ngumiti. "Aled, nandito ang parents mo." Wika ko. Narinig ko itong mahinang umingos bago kumalas sa pagyakap sa akin at napatingin sa mga magulang niya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako patayo. Sumunod naman ako at lumapit sa mga magulang niya. "Mom...Dad, this is Kathnisse." Pagpapakilala nito sa akin nang makatayo siya. Bahagyang ngumiti si Aled ng mapakilala niya ako sa mga magulang niya. Yumakap ang Mommy ni