Kathnisse's POV Linggo ngayon at day off ko sa trabaho. Sinundo ako ni Audrey sa bahay para maghakot ng mga gamit ko dahil simula ngayon ay dito na ako sa condo niya titira. "Thank you po, Kuya." Ani Audrey sa mga tumulong sa amin para e akyat dito sa condo niya ang mga gamit ko. Nang nakaalis na ang mga humakot ng gamit ko ay napatingin ako sa loob ng condo. Kulay itim at gray ang pintura nito. Kompleto na sa gamit at malinis na rin ito. Kung hindi ko lang alam na kay Audrey ang condo na ito ay iisipin kong lalaki ang may-ari nito base sa pintura at color ng mga furnitures at appliances. Ang naalala ko kasi ay mahilig si Audrey sa light colors dahil 'yon daw ang bagay sa kanya. "I bought some cooking tools kasi alam kong mahilig kang magluto. Bago ang oven mo." Ani Audrey. "Bumili ka