Reve’s POV “W—wait, Reve? M—magkakilala kayo ni Mr. Luiz? Ang anak ng may—ari nitong kompanya natin? P—paanong… teka lang, imposible naman yata lalo pa at—” “Yes, Mr. Hernandez. Magkakilalang—magkakilala at hindi lang basta magkakilala, this girl also o—” Bumaling sa akin ng tingin ang kumag na lalaking ito kaya binigyan ko siya ng matinik na mga pagtingin dahilan upang hindi na niya magawang ipagpatuloy pa ang sasabihin niya. Tinikom niya ang kaniyang bibig kaya kaagad rin akong nakahinga nang maluwag. Buti na lang at hindi na niya pinagpatuloy pa ang sasabihin niya. Akala ko ay sasabihin niya sa kay Mr. Hernandez ang dahilan kung bakit kami nagkakilala—ang nangyari sa aming dalawa sa bar. Pero I can’t believe it. The man I hated the most; ang kumag at manyakis na lalaking kinamumuhia