Chapter 10

1315 Words
Reve’s POV Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kung kalilimutan ko na lang ba ang nangyari sa akin noong gabing iyon. Kung iisipin na lang na one—night—stand lang ang nangyari noong gabing iyon at kalimutan na lang. But, damn! I can just give my dignity to everyone! Gusto kong maghigante pero hindi ko naman magawa dahil tulad nang sinabi sa akin ni Rhona ay talagang pagtatawanan lang ako ng mga awtoridad kung sakaling gagawin ko iyon. Levi is a playboy beast and how can I take revenge to the man like him? “Reve, I want this paper right now. Pwede mo ba na ito na lang muna ang uunahin mong tatrabahuin bago ang lahat?” ang boses ng manager ko ang siyang bumungad sa aking pandinig. Kaagad akong naalerto. Hindi ko inakalang kanina pa pala ako nakaharap sa aking monitor at iniisip ang nangyari sa buhay ko ngayon. Ni hindi ko namalayang wala na pala akong ginawa roon kung hindi ang humarap lang at wala nang iba. Buti na lang at napansin ko kaagad ang boses ng Manager kung hindi ay iisipin niyang lutang akong pumasok sa trabaho. “S—sige po,” tinanggap ko ang papeles na ibinigay niya sa akin. Sa sandaling ito ay hinarap kong muli ang aking monitor. “Good. Dalhin mo sa office ko once you are done. Reve, I want this one to be done before lunch. Sobrang urgent lang,” mabilis na sambit nito sa akin kaya sa sandaling ito ay kaagad din akong naalerto. Mabilis kong binuksan ang folder na binigay sa akin ni Mr. Hernandez saka mabilis iyong binasa. “Sige po. Tatapusin ko ito before lunch. Makaaasa po kayo,” mabilis kong saad. Wala na akong ibang ginawa pa sa umaga kung hindi ang tapusin ang pinapagawa sa akin ni Mr. Hernandez. Alas dyes pa lang ay tapos ko na iyon kaya mabilis na rin akong tumayo at nagtungo sa opisina ni Mr. Hernandez. Marahan ang bawat paghakbang ko nang makarating sa opisina ni Mr. Hernendez. Si mr. Hernandez ang manager sa kompanyang tinatrabahuan ko ngayon. I am the editor in chief and Mr. Hernandez is the Document Manager. Marahan kong binuksan ang pinto nitong opisina niya. Nasa dulo ang mesa niya kaya hindi ko pa siya mamataan pagkahakbang ko sa bukana nitong opisina. Pero isa lamang ang alam ko at iyon ay may bisita siya. He is talking to someone. Hindi ko alam kung sino ito pero wala na akong pakialam pa gayong ang importante ay natapos ko nang gawin ang pinapagawa sa akin ni Mr. Hernandez and that is the most important thing. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa pangalawang pinto nitong opisina ni Mr. Hernandez. His office is divided into two room. The room where his table was located at ang room kanina na dinaanan ko kung saan ginaganap ang meeting na madalas ay mga co—workers niya at ang ibang head. The company is quite big. Ni hindi ko pa nakilala ang pinakahead nitong kompanya. Tanging si Mr. Hernandez lang ang kilala kong head and the rest, I don’t know them. Kumatok ako sa pinto bago ko iyon binuksan. Nakayuko lang ako buong sandali lalo pa at wala na naman akong balak pang alamin kung sino ang bisita niya ngayon. Tanging sadya ko lang naman ay ang maipasa sa kaniya ang pinapagawa niya at iyon lang talaga. Saka hindi rin mabuti ang nakikialam ka. Kung sino mang itong bisita niya ngayon ay wala na ako at labas na ako roon kaya hindi ko na lang pinansin at dumiretso na lang ako sa table ni Mr. Hernandez. “Sir, ito na po ang pinapagawa ninyo sa akin,” mabilis kong wika kasabay ang pag—abot ko sa kaniya ng isang folder. It was printed there everything. Lahat ng data na hinihingi niya ay naroon na. “Good. Hindi ko inakalang mas mabilis pa sa inaasahan ko ang pagtapos mo sa pinapagawa ko. Salamat, Reve. You are really a good asset of this company,” wika ni Mr. Hernandez na siyang nagpapalitaw ng malapad na pagngiti sa aking labi. Hindi ko alam but Mr. Hernandez acted differently. Hindi naman siya ganito kung maka—complement. “Salamat po, wala na po ba kayong ibang ipagagawa sa akin?” tanong ko sa kaniya. Nanatili akong nakayuko at wala sa plano ko ang iangat ang aking presensya lalo pa at alam kong may kausap ngayon si Mr. Hernandez. “She is one of my best assets. Masipag at talagang seryoso sa kaniyang trabaho.” Wika ni Mr. Hernandez. I don’t know that he is talking about pero alam kong kausap niya ngayon ang kaniyang bisita. Hindi ko pa namataan ang mukha ng bisita niya ngayon. Nagtataka tuloy ako kung sino ito lalo pa at sa paraan ng pakikipag—usap niya rito ay para bang mas mataas ito kaysa sa kaniya. I stayed silent. Hanggang sa bigla na lang akong napakunot ng aking noon ang pumasok sa aking pang—amoy ang pamilyar na pabango. Hindi ako magkakamali. Hindi naman siguro siya ito, ano? Saka maaaring sikat ang pabango na ito kaya sino man ay pwedeng ito ang gagamitin. Imposible. “I see. Mabuti naman at nakahanap ka ng ganitong klaseng employee.” Wika nito. His voice is familiar. Pero hindi tulad ng boses na kilala ko, this one is formal. Hindi pwedeng magiging siya ito lalo pa at masyadong bastos ang boses ng lalaking iyon at walang modo kaya hindi pwedeng magiging ganito ka—pormal ang kaniyang boses ngayon. “Hindi lang ako ang swerte, sir kung hindi ang buong kompanya na rin. Ang kompanya mo,” wika ni Mr. Hernandez. S—sir? Kompanya niya? So the man he is talking right now is the owner of this company? “Hindi pa, Mr. Hernandez. Magiging kompanya ko pa lang. Hindi pa na—turn over ni dad sa akin ang kompanya na ito kaya sa kaniya pa rin at hindi pa sa akin,” pormal na sambit nito, hindi ko alam pero naaninag ko sa kaniyang boses ang lalaking bastos na iyon. Sa bagay, kahit sino naman ay pwedeng magkaroon ng kaparehong boses. “Anyway, Reve? Hindi ka man lang ba magbibigay galang sa kay Mr. Luiz? He is the soon to be CEO of our company,” wika ni Mr. Hernandez sa akin. “Hello po, Mr. Luiz.” Wika ko pero hindi ko siya binalingan ng tingin. “Sorry pero sadyang mahiyain lang talaga itong si Reve. Pero magaling naman siya, he perform better kaysa sa mga trabahante na matagal na rito sa kompanya,” wika ni Mr. Hernandez. Ay tama ka riyan, sir. Sobrang mahiyain talaga ako. “Sige po, aalis na po ako,” mabilis kong sambit ngunit akmang hahakbang na sana ako papalabas sa opisina ni Mr. Hernandez nang marinig kong muli ang muling pagsambit ng lalaking kausap niya ngayon, the soon to be CEO tulad ng sinabi ni Mr. Hernandez sa akin kanina. “Well, I don’t think, so Mr. Hernandez. Mukhang hindi mo pa yata kilala ang mga impleyado mo,” ang kaninang pormal na boses nito ay unti—unti kong nakitaan ng pagkamayabang at kakaibang tono nito. What? Hindi pwede. “A—ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Mr. Hernandez. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang i—angat ang aking paningin at ituon iyon sa kausap ni Mr. Hernandez. Kasabay ng pagbaling ko roon ay ang pagbungad ng aking atensyon sa lalaking hindi ko inaasahan. He is smiling looking at my presence. Kakaiba ang ngiti niyang ito, ngiti na siyang kailanman ay hindi mawawala sa alaala ko—the smile covered with an evil plan. “I—ikaw?!” hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD