Chapter 9

1437 Words
Reve’s POV Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon sa gitna ng matahimik na table na ito at sa tabi ng manyakis na lalaking ito. Pakiramdam ko ay anumang oras ay pwedeng—pwede niya akong halayin at siguro ay gagawin niyang muli ang ginawa niya sa akin noong gabing lasing ako. “Wants the same pala, ah.” Ang baritonong boses niya ang kaagad na bumalot sa aking pandinig ngayon. Kaagad akong naalerto nang marinig ang boses niyang ‘yon. Hindi ako sumagot sa halip ay umusad na lang ako papalayo sa kaniya. Siguro ngayon ay centemetro na rin ang layo namin at alam kong sapat na para hindi niya ako maabot pa. Ininom ko na lang ang tanging juice na nasa mesa at para sa akin lang iyon. Kung alak na iniinom nila kanina puwes ay ako juice lang. I decline every wine they offered for me earlier kaya napagpasyahan na lang nilang kumuha ng juice para sa akin at kahit papaano ay may iinumin naman ako sa harapan nila. Saka mahirap na ang umunom lalo pa ngayong nasa tabi ko lang ang manyakis na ito. “Aminin mo na lang kasi, Miss na talagang gusto mo rin akong makasama. Rhona offered you to go with her but you declined. So ibig sabihin ay gusto mong manatili rito and choose to be with me, nang tayong dalawa lang,” sambit nitong muli na animo’y isang baliw na nagsasalita lang nang siya lang. Wala akong planong sumagot at mas lalong wala akong planong pansinin siya. Ewan ko ba. Sa pinag—usapan namin ni Rhona kanina. Sa pinag—usapan namin kanina na maghihingante ako sa lalaking ito sa pamamagitan ng pag—akit sa kaniya ay ni kunti ay wala akong nagawa. Parang bigla na lang hindi gumama itong buong katawan ko at mas pinili na lang na huwag siyang pansinin at ang umiwas na lang. Lumipas ang ilang minutong pananahimik at tanging ang tunog ng musika lang sa loob nitong club ang siyang bumabalot sa aking tainga. Kahit na mahirap ay pinilit kong huwag matapunan ni saglit na pagtingin ang lalaking katabi ko ngayon. Ang hirap naman nito. Ang usapan namin ni Rhona ay sasamahan at gagabayan niya ako sa mga hakbang na gagawin ko pero ano itong nangyayari ngayon? Parang iniwan lang niya ako’t pinakain sa manyakis na lalaking ito. “Uh hmmm,” he did a short hum. Pansin ko rin ang biglaang pag—uga ng upuang inuupuan ko ngayon kaya alam kong unti—unti na rin siyang umuusad papalapit sa akin. At talagang hindi niya ako pipigilan? “Miss, hindi mo ba talaga ako kakausapin?” “May katabi pala ako. Sorry, ah. Pero wala ako sa oras para makipag—usap sa isang manyak na tulad mo,” mabilis kong sambit na may halong pagkainis sa aking boses. Ang kulit niya. Hindi ba niya napansin na iniiwasan ko siya? Tapos lalapit at lalapit pa talaga siya sa akin? “Manyak? Tsssk, dahan—dahan ka sa pananalita mo, Miss. Baka ang manyak na tinatawag mo ngayon ay,” huminto siya sa pagsasalita hanggang sa tuluyan ko na ring naramdaman ang mainit niyang hininga mula sa aking tainga. Paniguradong ilang pulgada na lang ang distansya ng aming tainga lalo pa at ramdam na ramdam ko ang mainit na pagbuga ng kaniyang hininga. “Baka ang lalaking tinawag mong manyak ay ang magdadala sa ‘yo sa langit,” isang pagbulong ang binitawan niya na siyang dahilan kung bakit bigla na lang tumayo ang aking balahibo nang marinig ang tono ng pananalita nito na animo’y talagang may masama siyang balak sa akin. “A—anong langit ang tinutukoy mo?” nauutal kong tanong sa kaniya. Sa sandaling ito ay muli na namang binalot ng matinding pangigninig itong aking katawan. Kapag talaga ang lalaking ito ay hindi aalis sa aking tabi ay tiyak na hindi ko na kakayanin pa ang manatili pa rito sa loob ng club. “Langit,” sa wakas ay umalis na rin siya mula sa pagkakalapit sa aking tainga. “The place where problems don’t exist. Masaya at masarap. Wait, don’t tell me,” mabilis na sambit nito at hindi ko man siya binalingan ng tingin ngunit alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. “Pambihira.” Pagpapatuloy nito. Hindi ako maaaring magkakamali. Iba ang tinutukoy niya. Bastos! “Ang bastos mo talaga kahit kailan. Pwede ba, umalis ka na lang sa tabi ko! Isang kausap mo pa sa akin at talagang makatitikim ka!” malakas na sambit ko sa kaniya at halata naman mula sa aking boses ang inis na inis na tono nito. “Aba, gusto ko ‘yan. Kailan ba?” mabilis nitong tanong sa akin kasabay ang akmang paglapit nitong muli sa akin. “Pwede ba? Saka wala ka na bang ibang alam sa buhay kung hindi ang mga ganitong bagay? Nakadidiri ka kung alam mo lang,” umirap pa ako at kasabay n’on ay ang pag—iwas ko ng tingin mula sa kaniya. “Saang banda ba nakadidire, Miss? Hindi mo pa nga ako nalasapan ay nandidiri ka na agad? Ano ‘yan, pre—taste?” tanong nitong sa akin, ewan ko pero pansin na pansin ko ang malalaswang tono ng kaniyang boses. Kunti na lang. Kunti na lang talaga at masasampal ko na ang lalaking ito! “Mahanap ka na lang ng kakausapin mo, lalake.” Mabilis kong sambit saka wala na akong planong kausapin pa siyang muli. Nakaiinis siya. Kahit kailan talaga ay pawang gulo at inis na lang ang nabibigay niya sa buhay ko. Kailan ba siya mawawala sa landas ko? “Eh, paano kung ikaw ang gusto kong kausap?” tanong nito sa akin. Sa sandaling ito ay hindi ko na siya binalingan pa ng tingin at mas lalong wala na akong plano pang pansinin siya. Sinisira lang niya ang gabi ko, sa bagay ay mula nang dumating siya sa buhay ko ay walang iba kung hindi problema at sakit ng ulo lang ang hatid niya sa akin. “Ano? Payag ka na ba?” tanong nito sa akin. Ano ba ang pagpayag na tinutukoy niya? Baliw na ba siya? “Miss, alam ko namang gusto mo rin, eh. Kaya tara na. We did it once already, hindi pa ba natin uulutin?” tanong nito sa akin kaya sa sandaling ito ay wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang uminit ang lukso ng aking dugo at kasabay n’on ay ang pag—igting ng aking panga na siyang hudyat ng pagiging galit. “Pwede ba! Hindi ako iyong babaeng nilapitan mo, Levi. It was night full of mistake at kinalimutan ko na iyon. Kung iyon lang naman ang siyang tanging dahilan mo kung bakit narito ka pa sa tabi, then you better leave. Alam mo? Gustong—gustong—gusto kitang kasuhan pero napagtanto kong halimaw ka nga pala. Kaya pwede ba? Hindi nakadagdag points sa kaguwapuhan mo ang mga bastos na salitang binibitawan mo,” hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at sa sandaling ito ay mabilis na rin akong tumayo at mabilis na kinuha ang bag na nasa gilid ko lang. Nakakabad—trip siya. “Teka lang,” hinawakan niya ang aking kamay but I stopped him na alam kong pipigilan na naman niya ako. Para saan? Para inisin na naman ako. Hinarap ko siya at tiningnan mula sa kaniyang mga mata. “Alam mo iyong pinakaayaw ko sa mga lalake? Iyong bastos at walang galang sa mga babae.” mabilis kong wika. Mabilis ko siyang tinalikuran at kasabay n’on ay ang tuluyang paghakbang ko papalabas nitong club. Ilang hakbang pa lang nang marinig ko ang boses ni Rhona na tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko na lang siya nilingon pa at nagpatuloy na lang sa paghakbang hanggang sa makalabas ako sa club. “Reve, bakit? A—anong nangyari? Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin. Huminto na ako. Nakalabas na naman ako ng club kaya kahit papaano ay tuluyan na rin akong nakawala sa presenya ng lalaking iyon. “Ayaw ko na, Rhona.” Mabilis kon saad. “A—anong ayaw mo na? Reve, wait. Malinaw na ang usapan natin kanina at alam kong pumayag ka na. Anong nangyari sa inyo ni Levi? Nagawa mo ba?” tanong nito sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Rhona, hindi ko kaya. That man? Hindi ko kayang sikmurain ang bibig niya. Sorry pero hindi ko kayang gawin ang plano natin,” mabilis na sambit ko kasabay ang pagtalikod ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD