Chapter 8

2173 Words
Reve’s POV “Alright, may chat sa GC namin na gagala raw kami. Ano, sasama ka?” biglang nabuhayan ang reaksyon ni Rhona sa aking harapan habang sinasambit iyon samantalang nakakunot lang ang aking noo at nakatingin lang sa kaniyang mukha. “A—anong GC? May GC kayo?” seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko inakalang may ganoon pala sila. Ano ‘yon? GC ng mga playboy at playgirl? Tsssk. “Oo, GC—group chat. Gusto mo ma—add?” tanong nito sa akin kasabay ang pagkuha niya sa kaniyang cellphone. “Naroon ang kumag?” tanong ko kay Rhona. “Oo, para first step closer para sa plan,” kumindat pa ito na animo’y may halong masamang balak mula sa likod ng kaniyang boses at ng kaniyang reaksyon. “Naku, huwag na at baka mamura ko pa siya,” umiwas ako ng tingin sa kaibigan ko. “Ano? Sasama ka ba? Day off naman natin ngayon, hindi ba? Saka uuwi rin tayo bago maghating gabi.” Wika nitong mula sa akin. Ilang segundo pa akong tahimik at hindi kaagad nakapagsalita sa naging tanong ni Rhona sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung talagang susundin at gagawin ko ba ang balak namin para sa lalaking iyon. Kung ganoon ko ba gagawin ang paghihigante sa lalaking iyon. “Talaga bang wala na tayong ibang pagpipilian kung hindi ang paraan lang na iyon? Paano kung hindi tayo magtagumpay sa—” “Shhh, hindi mo pa nga nagawa pero nag—iisip ka nan ang tapos. Levi is already in the club, tumayo ka na riyan at magbihis. Sa kotse ko na ka sasakay at dadaan lang tayo sa condo ko para makapagbihis lang din ako saglit,” mabilis kong pinigilan ni Rhona kasabay ang mabilis nitong pagtayo at nauna pa itong nagpunta sa aking closet. Tsssk, hindi pa nga ako pumayag ay parang kumbinsido na siyang talagang sasama ako na animo’y siya na rin ang nagdesisyon para sa akin. “Ito saka ito ang bagay sa ‘yo,” mabilis na wika nito kasabay ang pagbato mismo ng sarili kong damit at tumama pa iyon sa aking balikat. Hindi ko namalayang tuluyan na rin pala niyang nabuksan pati ang closet ko. Paladesisyon talaga ang babaeng ito. Napatingin ako sa mga damit na ibinato niya sa akin. It was the short she gave to me a few weeks ago at ang maikling damit na alam kong hanggang pusod lang iyon kung susuutin. “No way, I can’t wear this, Rhona. Masyadong daring saka makikita ang private parts ko,” mabilis kong sambit kasabay ang paghawi ko ng mga damit na binunot ni Rhona mula sa aking closet papalayo sa akin. “My god, Reve! Hindi pa naman siguro makikita ang s**o mo’t pukikay niyan! Saka paano mo mapapaakit ang isang playboy kung mahabang palda o kaya dress ang suot mo? Kaya sige na, suotin mo na and we will start the plan tonight!” mabilis at umangat pa ang boses ni Rhona habang sinasambit ang mga katatagang iyon. Napabuntong hininga ako. Kinuha kong muli ang damit na binato ni Rhona sa akin kamakailan lang saka nagpakawala ng malalim ng hininga. Siguro wala na akong pagpipilian pa. Saka hindi naman siguro ako ipahahamak ng kaibigan ko. Alam kong hindi pa masyadong matagal mula nang magkakilala kami ni Rhona but I know she cares for me at ramdam ko naman iyon mula sa pakikitungo niya. Saka mabuti rin siyang kaibigan at alam kong bihira pa siyang nagsisinungaling sa akin mula nang magkakilala kami. Wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang isuot na lang ang mga damit na binunot ni Rhona mula sa aking closet. Marahan ko iyong sinuot at talagang hinding—hindi ako komportable nang tuluyan ko na iyong nasuot. Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang lamig mula sa bandang tagiliran ko at sa aking hita dahil sa ikli ng mga suot ko ngayon. “O ‘di ba? Hot na hot ang dating!” mabilis na saad ni Rhona habang nakatingin lang sa salamin kung nasaan ang aking repleksyon. “Humarap ka. Marami pang kulang, Reve. Alam kong mas magiging hot ka pa ngayong gabi. Tingnan natin kung hindi maglalaway ang Levi na ‘yon. Baka magkakaroon pa ng second round sa inyong dalawa,” sambit nito dahilan upang mabilis din akong naalerto nang marinig ang sinabi nito. “Rhona!” tawag ko sa kaniyang pangalan para na rin pigilan siya sa mga sinasabi niya. “Opsss, sorry.” Mabilis nitong wika. Bumunot siya ng lipstick mula sa kaniyang dalang bag. She put a small amount on my lips saka inutusan akong pagtapatin ang magkabilang labi ko. Kasunod ay pag—aayos naman sa aking kilay. She put a light eyeliner and a blush—on on my cheeks. “Perfect, Reve! Babaeng—babae ka na sa gabing ito!” mabilis na wika ni Rhona na animo’y gulat na gulat sa namataan niya ngayong naging imahe ko matapos niya akong ayusan. Pati ako ay hindi rin maiwasan ang magulat lalo pa at sa pagkakaalam ko ay talagang matagal na panahon nan ang huli akong nakapag—ayos nang ganito. Siguro noong high school prom pa iyon kaya talagang hindi ko na tanda kung ano ang itsura ko noong mga panahong ‘yon. Tulad ng sinabi ni Rhona ay sa kaniyang kotse na niya ako pinasakay. Dumaan nga kami sa kaniyang apartment pero hindi na niya ako pinalabas pa ng kaniyang kotse gayong tulad ng sinabi niya ay baka raw papawisan ako at sayang ang mga palamuti sa aking mukha. Hindi naman naging matagal ang paghihintay ko sa halip ay makalipas lang ng mahigit sampung minuto ay nakabalik na siya kaagad sa kaniyang kotse kung nasaan ako. Hindi na ako nagulat pa sa naging suot ni Rhona ngayon; tulad ko ang makikitid rin ang kaniyang suot na mga damit. It was a short paired with a top that has an open back. Hindi tulad ko ay sobrang confident kung gumalaw itong si Rhona. Sobrang lakas ng loob niya para magsuot ng ganito. Sa bagay ay sanay na naman siyang pumunta sa bar, naging kabarkada nga niya ang kumag na iyon. “Let’s go?” ang tanging wika niya nang makapasok sa sarili nitong sasakyan. Hindi na niya ako binalingan pa ng tingin sa halip ay kaagad na rin niyang sinuot ang seatbelt ng kaniyang sasakyan at nagsimula na ring magmaneho. THE club filled with loud music as usual. Medyo malamig-lamig ang simoy ng hangin lalo pa at maiikli lang naman ang suot ko ngayon. Tuluyan na rin kaming nakalabas ni Rhona sa kaniyang sasakyan. Mula rito sa labas ay unti-unti ko na ring naaninag ang imahe ng bar mula rito sa labas. The bar where everything had started. Ang bar kung saan sa isang gabi lang ay bigla na lang nagbago ang ikot ng aking mundo. I did a deep sighed. Siguro sa dinami-daming taong nasa loob ay tiyak na isa roon ang kumag na iyon. I can't imagine flirting with him. Kahit na pagpapanggap lang ay hindi ko pa rin lubos maisip kung talaga bang magiging matagumpay ang plano namin. "Ano, hanggang diyan ka na lang ba?" Ang boses ni Rhona ang siyang kaagad na nagpapabuhay sa aking atensyon. Mabilis ko siyang binalingan ng tingin. Ngayon ay nasa bukana na siya ng bar. Kaagad ko rin siyang sinundan. Sa sandaling ito ay nagsimula na rin kaming humakbang papasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit ako pa itong kinakabahan gayong dapat ay malakas ang loob ko ngayon. Dapat ay ako itong puno ng galit at paghihigante kaya dapat hindi ako kabado sa mga sandaling ito kung hindi malakas ang loob para sa paghihigante. Sa isang table kami nagtungo. Mula roon ay pansin ko ang mga kasamahan niyang naroon, kung hindi ako nagkakamali, it was Luke and his girl friends. Nilibot ko ang aking paningin at huli na nang mapagtanto kong wala rito si Levi, ang kumag na 'yon. Mas mabuti na rin at nang hindi uminit ang dugo ko. Umupo ako sa tabi ni Rhona. Ilang minuto lang din ang lumipas nang mapansin ko ang ilang alak at pulutan na kakarating at kakalapag lang sa mesa mula sa waiter. "Oo, tamang-tama ang dating mo, Levi!" One of their friends speak up. Napatingin ako sa kakarating lang na tinutukoy ng kaibigan ni Rhona at hindi nga siya nagkakamali, it was him on his hooded jacket at a taslan short. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napagtanto kong sa dating pa lang niya ay talagang playboy na playboy na. Tskkk, kung hindi lang ako lasing noong gabing iyon ay sana hindi na dumating sa landas ko ang lalaking ito. "Uh hmmm, w-wala na bang ibang upuan para kay Levi?" Tanong ni Luke kaya kaagad din akong napalingon sa paligid. It was late to know that no vacant seat for him except the space behind me. Kapag minalas na nga naman. "Sa tabi ka na ni Reve, Levi! You can seat next to her," si Rhona pa itong nagrepresenta para mapaupo si Levi roon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ba lang lumakas ang t***k nitong aking puso at sigurado akong hindi ito dahil sa inlove ako kung hindi dahil sa kinabahan ako at siguro dahil na rin sa takot. Pakiramdam ko ay nanganganib na naman ang buhay ko ngayong nasa tabi na naman ako ng lalaking rapist na ito. Siniko ako ni Rhona, huli na nang mapansin kong kailangan ko pa palang umusad pa ng kunti para magkasya si Levi sa natatanging bakanteng upuan sa mesa na ito. "Well, I guess we need to have another one seat next time. Nandito na si Reve and I am sure she will be joining us from now on," si Rhona habang nakatuon ang atensyon nito sa kaniyang mga kasama. "Parang tama ka nga, Rhona. Pero sa ngayon, siksikan na muna tayo, ang importante ay masaya tayo sa gabing ito!" One or Rhona's friend speak up again. Pansin ko ang marahang paglapit ni Levi sa kinauupuan ko ngayon. Mas lalo pa akong umusap palalapit kay Rhona para kahit papaano ay hindi gaano magkalapit ang mga katawan namin. Mahirap na at baka bigla na namang umandar ang pagkamanyak niya. Inaasahan kong hindi na kami magkakalapit ni Levi lalo pa at alam kong sapat na ang malaking espasyo ngayon sa kinauupuan ko pero laking gulat ko nang umuga ang malambot na upuan at kasabay ng pag—uga n’on ay ang pagdikit ng maiinit niyang katawan sa katawan ko. Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam ko ang matigas niyang katawan at pati na rin ang pabango niyang kailanman ay hindi nawawala sa aking alaala lalo pa at ito lang naman ang natatanging pabango niya at ang pabangong tanging tumatak sa aking isipan noong mga gabing pinagsamantalahan niya ang lasing kong katawan. “Alright, let the party begin,” si Luke kasabay ang paglalagay ng alak sa basong nasa kaniyang harapan. Tulad ng inaasahan ko ay nagsimula na rin ang inuman. It seems like this is the way they used to do everytime they are together. Parang sanay na sanay na silang gawin at siguro nakagawian na rin nilang ganito na ang mangyayari. Lumipas ang ilang minuto at napansin kong tahimik lang si Levi. Ni muntik ko nang nakalimutang nasa tabi ko pala siya and I wonder why. Ganito ba talaga siya? Sekreto lang ang mga galaw? Kunware ay sobrang tahimik niya pero kapag kayong dalawa lang ang magkasasama ay mas matindi pa sa eksperto. Kung hindi ko lang siya kilala ay tiyak na makikita kong sobrang bait niya. Dahil sa katahimikan siya ngayon ay tiyak na iisipin kong mabait at mapagkatitiwalaan siya. Ilang minuto pa at napansin ko ang unti—unting pag—aalisan ng mga kaibigan ni Rhona sa table. Kung hindi ako nagkamali ay ako, si Rhona at kung nasa tabi ko pa ngayon si Levi ay tiyak na kaming tatlo na lang ang narito. Lumipas ang ilang segundo nang mapansin ko ang pagsiko ni Rhona sa aking tagiliran. Kaagad akong naalerto sa ginawa niya. Bumaling ako sa kaniyang atensyon at huli na nang mamataan kong nakatayo na pala siya. “Levi, uh hmmm, maiwan ko na muna kayo. O baka gusto ninyong sumama sa akin sa dance floor?” mula kay Levi ay bumaling sa akin si Rhona. “Nope, wala ako sa mood para sumayaw. Tanungin mo na lang ang kaibigan mo.” rinig kong wika ni Levi. Akmang magsasalita na sana ako nang harangan ako ni Rhona. Hindi man niya ako pinigilan sa pamamagitan ng pagsita sa akin pero pansin ko naman kung paano niya ako tiningnan. “My friend wants the same. Mag—enjoy kayong dalawa rito,” mabilis na wika ni Rhona at hindi na niya ako binalingan pa ng tingin sa halip ay tuluyan na rin niya akong iniwan sa tabi ng kumag na lalaking ito. Dammit! At talagang iniwan pa niya ako rito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD