Reve’s POV
“W—what? P—paanong nangyaring ang lalaking ‘yon ang… no way. Paano na ‘yan, Reve? Alam naman nating—kaibigan ni Luke ang lalaking iyon and we all know that Luke is a playboy beast! Maaaring ganoon din ang abilidad ng lalaking iyon. Ayaw ko mang isipin but it seems like you already enlisted as one of woman they played with.” Mahaba ang mga katatagang binitawan ni Rhona sa mga sandaling ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw mula sa kama nitong apartment ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I don’t know what to do after that sinful night happened to me last night.
“Sana nga pala hindi na kita dinala sa club noong mga gabing iyon. Nadamay ka pa. Ikaw naman kasi, eh! Uminom ka pa without knowing na hindi mo naman pala kaya ang matapang na, alak! Malay ko bang juice pa lang pala ang nainom mo!” mabilis na sambit nito sa akin kasabay ang pag—iwas ng tingin nito sa akin.
Hindi pa rin ako nagsalita. Tulala lang ako habang iniisip kung ano na ang gagawin ko para harapin ang susunod na mga pangyayari sa aking buhay.
“So, ano na ang plano mo ngayon?” rinig kong tanong nito sa akin.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang plano ko para sa lalaking iyon.
“Kakasuhan ko siya,” ang katatagang kusang lumabas sa aking bibig. Sa sandaling ito ay iyon lang naman ang tanging alam kong magagawa ko.
Pansin ko ang biglaang pagtawa ni Rhona sa aking harapan. Tulad ng naging reaksyon ng lalaking iyon nang marinig ang sinabi kong gagawin ko sa kaniyang kaparusahan ay malapad na pagtawa ang kaagad na naging reaksyon ni Rhona nang marinig nito ang sinabi ko kamakailan lang.
“B—bakit? A—ano ang nakakatawa sa sinabi ko?” seryoso kong tanong sa kaniya habang nakatingin lang sa kaniyang mga mata. Nakakunot ang noo kong nakatuon sa kaniyang presensya. Hindi ko alam kung ano ang nakatatawa sa sinabi ko kanina. Kung saang parte ng katatagang nabitawan ko ang nakakakilit sa kaniyang damdamin!
“Seryoso ka ba, Reve?” tawang sambit nito sa akin kasabay ang pag—iwas ng aking tingin.
“What the heck, Rhona? Saan ba ako hindi seryoso? I will sue him and that suits him! Hindi pa nga sapat ang pagkakulong,” marahan akong umiwas ng tingin sa kaibigan ko saka bumaling sa malayong parte nitong aking silid. “Ang dapat sa kaniya ay bitayin. Walang puwang ang lalaking tulad niya sa mundong ito,” mahinang pagpapatuloy ko habang nakatuon lang ang aking atensyon sa kung saan at hindi na sa kay Rhona.
“Saang mundo ka ba galing, Reve?” pansin kong natatawa pa rin ito kaya wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang balingan na lang siya ng mga pagtingin.
Seryoso akong tumingin sa kaniyang mga mata at tulad kanina ay nakakunot pa rin ang aking noo. Hindi ko alam at hindi ko lubos maintindihan kung bakit nakatatawa ang mga sinasabi ko. Kagabi pa ito, kagabi pa tawang—tawa ang hayop na lalaking iyon nang marinig ang sinabi kong kakasuhan ko siya tapos ngayon ay ang mismong kaibgan ko naman? Si Rhona?
“Wala ka na sa mundo nina Maria Clara at Ibarra, Reve. Nasa millennial days na tayo at sa tingin mo ay matatakot ang mga ganoong lalake kapag sinabi mong ganoon ang magiging paraan ng paghihigante mo?” ngiting wika nito sa akin kaya ngayon pa lang ay umiinit na naman ang dugo ko sa kaibigan kong ito.
Sa bagay, Rhona was used in hanging with boys. Nagtataka nga ako at kung bakit naging kaibigan ko pa ito. Siguro dahil magkasama kami sa trabaho at sadyang nagkakaintindihan kami sa lahat bagay.
“So, ganoon na lang ‘yon? Ganoon na lang ang mangyayari? Ang basta—basta isusuko ang bandera ko? Rhona, hindi ako ganoon. Isa akong preservative na babae at kailanman ay may pinanindigan ako sa sarili ko. I promised to myself na ibibigay ang p********e ko sa lalaking makasasama ko panghabang buhay.” Seryoso kong wika sa kaniya.
“Levi is a kind of man who plays with girls. Marami na ang babaeng dumaan sa kaniya at karamihan doon ay kinalimutan niya. One—night—stand, siguro iyon ang inaasahan niyang mangyayari sa gabing iyon. Wala na tayong magagawa riyan, Reve.” Umiwas ito ng tingin sa akin.
“Anong klaseng kaibigan ka?” seryoso kong tanong sa kaniya.
Magkakilala kami ni Rhona ilang buwan na. Siya ang unang taong naging malapit sa akin nang makapasok ako bilang sales representative sa isang kompanya. Ni isang beses ay hindi naman kami nagkakaroon ng awayan. Siguro, may hindi pagkakaintindihan pero naaayos din naman kaagad.
“Reve, you don’t get what I mean,” nakatingin na ito sa aking presensya.
“Talagang hindi, Rhona! That guy stole my virginity and he deserves a punishment. Pero sa mga sinasabi mo kamakailan lang ay parang pinalalabas mong parang okay lang sa ‘yo na nakawin ang dignidad ng isang babae, tulad ko.” unti—unti ng naging emosyonal ang aking boses.
That man named Levi deserves a punishment at hindi pwedeng hindi!
“That is not what I mean, Reve,” mabilis na saad nito sa akin.
“Parang ganoon na rin iyon, Rhona.” Mabilis kong bato sa kaniya.
“Ano ang sasabihin mo sa mga police kung ganoon? Na ninakaw ang virginity mo?” tanong nito sa akin. It feels like she is going to conclude the same conclusion as what that man told me last night. “Sasabihin mong nalasing ka noong mga gabing iyon at nasa club ka. Malamang pagtatawanan ka ng mga pulis kung ganiyan. Tulad nga ng sinabi nila, walang playboy kung walang babaeng magpapakita ng motibo sa kanila. You are drunk that night so Levi took the opportunity. Simply as that,” mabilis na pagpapatuloy nito sa akin. Alam ko namang mali talaga ang mga naging rason ni Rhona at sa mga binigay niyang conclusion pero hindi ko maiwasang bigyan din ng atensyon ang mga sinasabi niya sa akin.
Sa bagay ay may punto naman siya. Pero ang ayaw ko lang ay iyong patawarin ang lalaking iyon. Hindi pwedeng ganoon na lang iyon. Sa isang gabi ay bigla na lang nawala ang tanging bagay na iniingatan ko! That man stole everything from me!
“So, ano ang gusto mong gawin ko?” mahinang tanong ko sa kaniya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniyang mga mata and I am waiting for her response.
Hindi kaagad siya sumagot sa naging tanong ko sa kaniya. I am waiting for her response and after a few seconds had passed, bumaling siyang muli sa akin dala ang maseryosong mga pagtingin.
“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay,” ang katatagang tanging binitawan nito habang nakatingin lamang sa aking mga mata.
Muli akong napakunot ng aking noo. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Alam na alam ko ang kasabihan na iyon at alam din iyon ng nakararami pero ano naman ang connection ng kasabihan na iyon sa sitwasyon na mayroon ako ngayon?
“That was a famous quote. Ano naman ang koneskyon n’on sa nangyayari sa buhay ko?” nakaangat na ang aking kilay habang nakatingin lamang sa kay Rhona.
I want to give her a raising eyebrow at nang malaman niyang atat na atat na akong malaman kung ano ang ibig niyang sabihin.
Naging malapad ang kaniyang mga ngiti ngayon. Muli ko na namang namataan ang kaniyang mapanlinlang na mga pagngiti.
“Ang hina mo talaga, Reve,” ngiting sambit nito sa akin kasabay ang pag—iwas nitong muli mula sa aking atensyon.
“Wala akong oras para sa biruan, Rhona. Kung nagbibiro ka lang din naman, puwes ay mas mabuting sa iba na lang ako hihingi ng payo. Parang hindi ka kaibigan,” mabilis kong sambit sa kaniya na may halong pagtatampo pa sa aking boses.
“Hindi ba at ninakaw niya ang virginity mo? A playboy is always be a playboy, Reve. Nasa dugo na nila iyon. Kailanman ay walang puwang sa puso nila ang salitang pag—ibig. Hindi sila marunog masakat, walang kinatatakutan at mas lalong makapal ang mukha,” mabilis na sambit nito sa akin. Sa dinami—daming katatagang binitawan niya ay ni isa ay wala akong naintindihan.
“Rhona, pwede ba? Wala ako sa panahon para sa long speech. Please, sabihin mo na lang sa akin kung ano ang gagawin ko para maparusahan ang lalaking iyon,” mabilis kong wika sa kaniya para na rin matigil na itong pagbibitaw niya ng malalalim na mga katatagan.
“Kung ninakaw niya ang virginity mo, then do the same way, Reve. As simple as that. Doing te same thing as that man did to you is the best revenge,” sambit nito sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit sobrang bagal talaga kung mag—isip ang utak ko ngayon. Ni hindi man lang ako natauhan sa sinabi ni Rhona sa akin. Ni kunting idea tungkol sa mga sinasabi niya ay wala akong makuha.
“Ano ang ibig mong sabihin? Saka ano naman ang nanakawin ko sa kaniya? First kiss? Tsssk, halata namang hindi na virgin ang lalaking iyon.” mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya.
Hindi kaagad sumagot si Rhona sa sinabi ko sa halip ay unti—unti pa itong lumapit sa akin. Ramdam na ramdam ko pa ang pag—uga nitong kama nang lumapit ito sa akin. Magkatapat na rin ang aming mga mata alam kong sa sandaling ito ay may makabuluhan na rin siyang sasabihin lalo pa at pansin na pansin at halata naman iyon sa naging reaksyon niya.
“Reve, maaaring hindi na virgin ang lalaking iyon pero ito,” mabilis nitong tinapat ang hinalalaking daliri ng kaniyang kamay sa aking dibdib—sa tapat mismo kung saan malakas na tumitibok ang aking puso. “Ito ang kahinaan ng mga lalaking tulad ni Levi at ito ang tanging panlaban natin sa kaniya,” pagpapatuloy nito sa pagsambit.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniyang mga mata. Sa ngayon ay parang unti—unti ko nang nakuha ang ibig niyang sabihin pero may parte pa rin sa aking isipan ang hindi ko naintindihan mula sa mga sinasabi niya at gustong—gusto ko pa ng further elaboration sa mga sandaling ito.
“Tsssk,” after a long period of silence, I saw again the wide smile on her lips. “Huwag mong sabihing hindi mo pa rin nakuha ang ibig kong sabihin, Reve?” tanong nito sa akin.
“Pero paano?” ang tanging tanong ko sa kaniya.
Mas lalo lang lumapad ang kaniyang mga ngiti.
“Nagkainteres siya sa ‘yo noong mga gabing iyon. Hindi naman siguro tatayo ang sandata ng isang lalake kung hindi niya type ang isang babae, hindi ba?” tanong nito sa akin. Kahit papaano ay unti—unti na ring naging malinaw sa akin ang lahat.
“Reve, akitin mo si Levi at nakawin mo ang atensyon at pagmamahal niya at kapag tumibok ang puso siya sa ‘yo, then that was the revenge you are looking for. Magtiwala ka, that was the only effective way you can do against him,” seryosong sambit nitong muli sa akin, sa wakas ay naging malinaw na rin ang totoong kahulugan taliwas sa mga sinasabi niya.
Pero paano? I mean, hindi ba mahirap gawin ang ‘yon?
“You mentioned that a playboy doesn’t fall in love. Paano ko iyon gagawin?” tanong ko kaagad sa kaniya. Para naman malaman ko kung ano ang unang hakbang na maaaring magagawa ko laban sa lalaking iyon.
Ngumiti siyang muli. Sa inaasta niya ay parang sinabi na rin niya sa aking may karanasan na siya sa mga ganitong bagay. Well, she was raised in an urban place at hindi tulad ko na sa probinsya lumaki kaya talagang ibang—iba ang naging linya ng aking nakaraan.
But thanks to her, parang mabibigyan na rin ng katarungan ang nangyari sa akin noong nakaraang gabi.
“Levi is still a human, Reve; in let me remind you that. Maaaring binalot na ng makapal na yelo ang kaniyang puso,” huminto siya sa pagsasalita, she then looks at my eyes intently na animo’y seryoso na ang katatagang bibitawan niya sa akin ngayon. “But severe heat can melt anything, Reve.” Parang pabulong na rin niya iyong sinabi at bakas sa likod ng kaniyang boses ang animo’y masamang plano nito.
“Naku, hindi ko magagawa iyan, Rhona. Sorry pero wala sa landas ko iyan. Saka no way! Hindi ko papatulan ang lalaking iyon. Paras binabalot nan ga ng virus ang katawan n’on tapos papatulan ko pa. Iniisip ko pa lang ang pagdikit ng aming katawan noong gabing iyon ay nandidiri na aklo. Kaya pass ako sa plano mo,” mabilis kong sambit sa kaniya kasabay ang mabilisang pag—iwas ko ng tingin.
“E ‘di huwag. Nagpakahirap akong mag—isip para matulungan ka lang tapos tatanggi at tatanggi ka lang din pala. Thank you na lang ang virginity mo kung ganoon,” mabilis na sambit nito sa akin na may halong pagtatampo sa kaniyang boses kaya muli rin akong napabaling muli sa kaniyang atensyon.
“Rhona, takot lang akong baka mawasak nang tuluyan ang buhay ko. I can’t make a risk just for that trash,”tumingin ako sa kaniyang mga mata.
“I am here, Reve and willing to guide you. I got your back at kapag may mga tanong ka ay sasagutin at sasagutin ko iyon,” mabilis na sambit nito sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga saka mabilis iyong pinakawalan.
May pagpipilian pa baa ko?
“Alright, ano ang unang hakbang na gagawin ko?” ang unang tanong na kaagad kong iginawad sa kaniyang harapan.
Mula sa pagiging seryoso ay pansin ko ang biglang paglapad na pisnge ni Rhona mula mismo sa aking harapan.