Reve’s POV “Trustworthy, hardworking, and respectful? Uh hmmm,” kitang—kita ko kung paano siya tumingin sa hawak niyang bond paper. Ngayon ay talagang alam ko nang talagang copy ito ng aking resume. “Wala ka bang ibang sasabihin? Iyan lang ba ang tanging sadya mo kung bakit mo ako pinapapunta rito?” tanong ko sa kaniya. Kung kanina ay tinatawag ko siyang sir pero ngayon hindi ko na magawa iyon. Pakiramdam ko ay talagang hinding—hindi ko kaya iyong itawag sa kaniya. “Respectful? Now tell me, Miss Forteza, may respectful bang nananawag ng manyak at nananampal?” kalmado ang kaniyang boses ngunit hindi ko alam kung bakit nanunuyo ang lalamunan ko habang kaharap ko siya ngayon. Bakit ako itong kinakabahan? Bakit ako itong takot at bakit ako pa itong nanunuyo ang lalamunan? Ako ang biktima s