Reve’s POV Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa mga oras na ito. Buti na lang at wala nang ibang pinapagawa sa akin si sir Hernandez bukod sa papeles na hiningi niya sa akin kaninang umaga kaya kahit papaano ay malaya rin akong gumawa ng kung anong nais ko hanggang sa mga oras na ito. Until now, I can still hear the statement that jerk told me earlier. Bakit naman niya natanong kung importante ang trabaho ko? Bakit parang may pinapahiwatig siya sa sinasabi niya? Sa tono pa lang ng kaniyang boses ay parang malakas na ang kutob ko. Sumapit ang alas tres at wala akong ibang ginawa kung hindi ang i—double check lang ang mga paper works ko kahapon. Wala na naman akong ibang gagawin dahil hindi naman nagbibigay ng mga bagong gawain ang manager namin. Sinubukan ko ring puntahan si Rhona sa ka