Reve’s POV “Hardworking, uh hmmm. Buti at may isang katotohanan ka rin palang inilagay sa resume mo, Miss Forteza.” Hindi kaagad ako nakagalaw nang marinig ko ang boses na iyon. Parang naging banta na ng buhay ko ang tono ng kaniyang boses. Kapag naririnig ko ang boses na iyon ay alam na alam kong may mangyayaring masama. Nanatili akong nakatingin sa monitor at piniling hindi na lang siya pinansin. Alam kong nasa likuran ko pa siya at maaaring nakatitig lang sa akin at naghihintay sa mga susunod kong magiging galaw. “Overtime ako. Saka bakit ka narito? Hindi ba at oras na ng uwian?” binabalot ng pagkamasungit ang aking boses. “Tsssk, malamang dahil kompanya ko ito Miss Forteza kaya malaya akong pasukin sa kung saan mang sulok ng gusaling ito.” punong—puno ng kayabangan ang kaniyang bo