Reve’s POV MADILIM. Ang matinding dilim ang siyang bumabalot sa aking atensyon sa mga sandaling ito. Wala akong ibang makita ngayon kung hindi ang makapal at maitim na kapaligiran sa kung saan man ako ngayon. Ni wala akong makitang palatandaan o kahit ang imahe man lang para sana malaman ko kung nasaan ako ngayon. I wonder if where am I now. Kung may kasama ba ako o kung ligtas lang baa ko. Nasa mundo pa baa ko? Bakit wala akong marinig ni kunting ingay sa paligid? Bakit wala akong makita ni isang imahe kung hindi ang matinding kadiliman lang? Dammi! Patay na ba ako? Hindi naman siguro ito panaginip, hindi ba? Hindi ko alam ngunit kusa na lang na humakbang ang aking mga binti. Gusto kong manatili na lang sa kinatatayuan ko ngayon pero para bang may nag—uudyok sa mga paa kong umusad ka