Reve’s POV
“Sino pa ba ang naging kasama natin kagabi? Sigurado ka bang sila lang?” tanong ko sa kaibigan kong ngayon ay panay na ang pag—inom ng alak sa aking harapan.
“Aba ay malay ko, besh! Malaki itong bar kaya imposibleng mahanap mo siya kung nakaupo ka lang riyan!” wika ni Rhona, malakas ang tunog sa loob ng bar na ito pero walang makakatalo sa tulis ng kaniyang boses.
For the first time in the history, I forced Rhona to come here to find that man. Inimbita na rin niya ang mga kaibigan na naging kasama namin noong gabing iyon. They are all here ngunit kailanman ay hindi ko naaamoy ang pabangong tumatak sa aking ilong. Alam kong makikilala ko ang lalaking iyon kung sakaling maaamoy ko ang kaniyang pabango. Saka kumbinsido akong makikilala ko iyon sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang bisig.
Lasing ako noong gabing iyon ngunit hindi ako patay para hindi ko maramdaman at hindi tumatak sa aking isipan ang hugis ng kaniyang katawan. Kaya alam ko… alam kong makikilala ko siya.
“Maglibot ka, Reve! Roam the entire bar if you must! Hindi ba at gusto mong mahanap ang lalaking iyon? Then ikaw na mismo ang gagawa ng paraan. Basta ako, mag—eenjoy ako lalo pa at libre mo lahat,” ngumiti siya kasabay ang pagbitaw sa huling katatagan na iyon. Bumaling pa itong muli sa mesa saka muling sumimsim sa alak.
“Where is Luke?” tanong ko sa kaniya.
Kaagad ring naibaling ni Rhona ang atensyon nito sa akin.
“Don’t tell me siya ang pinagbibintangan mo?” natawa siya. “Babaero rin iyon pero kailanman ay hindi iyon papatol sa kaibigan ano!” mabilis na sambit nito sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaibigan ko at piniling ituon ang aking atensyon sa dnace floor. There were hundreds of people inside this bar at kadalasan ay lalaki ang narito. Ano ang gagawin ko? Isa—isahin ko silang kilalanin? Paano?
Lasing ako noong gabing iyon. Ni isang beses ay hindi ko nakikita ang kaniyang mga mata kaya alam kong mahihirapan akong kilalanin ang lalaking iyon kung sakali.
Maraming may matitikas na balikat at mas lalong hindi lang nag—iisa ang pabangong maaaring ginamit niya. ‘
Dammit! Hinding—hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita at nakikilala ang lalaking iyon.
Ano siya sinuswete?
Isang thank you na lang ang ginawa niya noong gabing iyon? Dahil sa kaniya ay malaking pinagbago sa buhay ko! Hindi lang ang p********e ko ang sinira niya kung hindi ang buong pagkatao ko na rin!
Kaya hinding—hindi ako titigil hanggang makilala ko siya. Hindi pwedeng walang siyang pananagutan sa ginawa niya. He raped me and I can sue him for that!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Iniwan ko na rin ang bag ko sa upuan na iyon.
“Where are you going?” tanong ni Rhona.
“Maglilibot.” Tipid na sambit ko. Alam kong magsasalita pa ang kaibigan ko pero hindi ko na iyon hinintay pa sa halip ay tuluyan na rin akong umalis sa mesa na iyon at piniling makihalubilo sa gitna ng dance floor kasama ang mga lalaking alam kong nasa impluwensya na rin ng alak.
Ilang lalaki na ang dumaan sa aking paningin. iba’t—ibang pabango ang naaamoy ko pero ni isang beses ay hindi ko mahanap ang pabanagong alam kong nakatatak sa aking isipan.
I even touched some chest pero wala akong napala.
“Hello, miss.” Pinigilan ako ng lalaki isang beses nang hawakan ko ang kaniyang balikat. Nagulat ako sa naging reaksyon niya roon.
“So—sorry. I am looking for someone and it wasn’t you.” sambit ko saka umiwas na sana pero pinigilan niya ako.
“Ako, ako ang hinahanap mo, Miss. Uhmmm, tara sa private room?” walang pagdadalawang—isip itong bumulong sa akin.
Kaagad ring uminit ang aking dugon ang marinig ko ang boses niyang iyon.
Kasing bilis ng pagbulong niya ay ang bilis rin ng pagsampal ko sa kaniyang mukha. Medyo madilim itong dance floor kaya hindi ko naaninag nang mas malinaw ang kaniyang mukha pero alam na alam kong hindi naman siya kagwapuhan; sadyang matipuno lang talaga ang kaniyang katawan.
“Magsarili kang g*g* ka! Bastos!” malakas kong sambit at hindi na hinintay pa ang susunod niyang gagawin at mabilis ko na lang na iniwan ang dancefloor na iyon.
Sino ba kasi ang lalaking iyon? Makikilala ko pa kaya siya?
Kung sino man siya ay sana kainin siya ng konsensya niya. Ano ang karapatan niyang pagsamantalahan ako habang wala ako sa sarili ko? He is a rapist! I can sue him for s****l harassment and put him into lifetime jail!
Bumalik ako sa upuan kung nasaan si Rhona. Pansin na pansin ang pagkunot ng kaniyang noo nang bumaling ito sa aking atensyon. I can see how she looks at my eyes confusingly.
“A—ano? May napala ka ba? Did you find him? Bakit parang nagbago yata ang mood mo? Masyadong madilim?” tanong nito sa akin.
Hindi ko na lang muna siya pinansin sa halip ay mabilis ko na lang na inagaw ang alak na hawak—hawak niya saka mabilis ko iyong ininom na parang tubig lang.
Desperada na ako and I need to find him.
“Wala… wala akong napala. Pero hinding—hindi ako uuwi nang hindi ko siya nakikilala ngayong gabi,” sambit ko.
Saglit pa nang maagaw ang atensyon ko sa aking harapan. It was Luke if I am not mistaken but I can’t recognize the man beside him. Nakatitig lang ito sa akin na animo’y tutunawin ako sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin kaya kaagad na rin akong umiwas ng atensyon roon.
“Anyway, nandito na pala si Luke and guess what! He is with a handsome guy, besh! Baka ito na ang para sa ‘yo!” naging masigla ang boses ni Rhona.
Baliw…
“Luke, baka gusto mong ipakilala ang kasama mo sa matandang dalagang si Reve?” si Rhona dahilan upang masiko ko ito sa tagiliran.
“S—sure!” mula kay Rhona ay bumaling ang atensyon ko sa kay Luke. Nakangiti lang itong nakatingin sa akin. “Reve, he is my old friend,” pagpapakilala pa nito sa akin.
Napilitan akong napatingin sa lalaking katabi ni Luke ngayon. He is silent ngunit nakuha ang atensyon ko nang inabot sa harapan ko ang kaniyang kamay.
I forcedly make a smile and then slowly raised my hand for a handshake. “I am Reve, Luke’s friend,” pagpakilala ko pa.
Hindi siya nagsalita sa halip ay nanatili lamang itong matulis na nakatitig sa akin. Tinanggap ko ang kaniyang kamay ngunit laking gulat ko sa kasunod na pangyayari.
Napapikit ako at kasabay ng pagpikit kong iyon ay ang pagpasok sa pang—amoy ko ang pamilyar na pabango.
I am not mistaken. It was the scent that night. Hindi ako maaaring magkakamali…