Reve’s POV
Binabalot ng matinding panlalamig ang aking katawan sa puntong ito. Nanginginig sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung takot ba ang siyang nararapat kong mararamdaman o magalit. Hindi ako maaaring magkakamali. Ang kaniyang pabango ay sobrang pamilyar sa akin.
Maaaring lasing ako noong gabing iyon pero tanda ko pa ang kaniyang pabango. Maaring hindi ko siya namataan ni isang beses pero hindi ko pwedeng magkakamali! Ang lalaking ito. Ang lalaking ito ang siyang nakasama ko sa gabing iyon at malalagot siya!
Hindi kaagad niya tinanggap ang aking kamay. Matinik siyang nakatingin sa aking mga mata at mula roon ay kapansin—pansin ang kakaibang pagtingin niya na animo’y tutunawin ako nito kung sakaling magtatagal man.
Ilang segundo pa nang dahan—dahan niyang inangat ang kaniyang kamay. This time, the severe coldness covers my whole system. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, kung dahil ba ito sa galit o dahil sa matinding takot. Galit dahil sa ginawa niyang pansasamantala sa akin noong gabing iyon o takot dahil nasa harapan ko na siya.
His eyes are a bit menacing. Walang sino man ang hindi mapapaiwas ng tingin kapag nagkakatama ang mga paningin, it is thorny and harmful. His long nose makes him a bit attractive. Seryoso lang ang kaniyang ekspresyon kaya hindi ko makikita kung anong klaseng pagkatao ang mayroon siya. I tried to read his mind pero hindi ko man lang magawa. His emotion is perfectly dark that no one can read it.
Malakas ang tunog sa loob nitong bar, madilim ang bawat sulok at tanging ang mga disco lights lang ang nagsisilbing liwanag sa loob pero sa lalaking ito lang nakatuon ang aking atensyon. Seryoso akong nakatingin sa kaniyang presensya na animo’y pinag—aralan ang bawat hugis at detalye ng kaniyang mukha.
I am not mistaken. Lasing lang ako noong mga gabing iyon pero hindi ako hinimatay.
“Levi,” ang tanging katatagang binitawan niya. Mahina ang boses niya ngunit rinig na rinig ko gayong sa kaniyang bibig lang naman nakatuon ang aking atensyon.
He slowly put his hands on mine. Mainit ang kamay niya kaya alam na alam kong ramdam na ramdam niya ang panlalamig ko sa mga oras na ito.
Hindi ko hahayaan makakalabas siya sa bar na ito nang hindi niya napagbayaran ang ginawa niya sa akin noong gabing iyon. How dare him! Ano ang karapatan niyang pagsamantalahan ang p********e ko sa kalagitnaan ng kalasingan?
I will sue him and put him in jail as much as I can!
Hindi ko magawang maging komportable buong sandali. Ilang beses akong binigyan ng alak ni Rhona pero hindi ko iyon tinanggap. Ilang beses rin na nagkakatama ang mga tingin namin pero siya mismo ang unang umiwas roon.
So, he is guilty?
Well, humanda ka sa akin mamaya lalaki ka.
“Reve? Bakit sobrang tahimik mo yata ngayon? Is there’s something wrong?” tanong sa akin ni Rhona dahilan upang mapilitan akong mapangiti at baguhin ang aking ekspresyon at nang hindi nila mahahalatang may tinatago akong kakaibang emosyon sa gabing ito.
“W—wala. Uh hmmm, I feel cold.” Pagrarason ko pa.
“Uh? May lagnat ka?” tanong niya kasabay ang pagdampi ng kamay niya sa aking leeg na kaagad ko namang iniwasan.
“Wala naman, ah? Pero nanlalamig ka,” wika ni Rhona.
“I am fine, Rhona. Don’t worry about me.” ngumiti ako para mas lalo pa siyang maniwala sa rason kong ‘yon.
“Siguraduhin mo, ah!” sambit nito kasabay ang pag—iwas sa akin at muling itinuon ang atensyon sa iba pa naming kasamahan.
Hindi na ako nagsalita pa mula noon. He is in front of me at walang oras na hindi ko iniisip na maaaring nakatitig lang siya buong sandali dahilan upang mas lalo lang lumubo ang matinding ilang sa aking sarili.
Wait, bakit ako pa itong naiilang? Kung tutuusin ay hindi ko dapat iyon nararamdaman dahil una’t sapol ay ako naman ang biktima rito?!
Hindi ko na nakayanan pa ang kabuuang sitwasyon kaya ako na mismo ang tumayo at nagpaalan kay Rhona na umalis sa table. Sa powder room ang tungo ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang makihalubilo sa kanila sa gabing ito. Siguro dahil laman ng isipan ko ang lalaking iyon, ang lalaking siyang tanging dahilan ng lahat ng ito!
Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin. Ilang beses ko pang sinubukang kumalma pero hindi ko magawa. Hindi yata magawang pakalmahin ang sarili ko not until I talked that man and sees he is suffering from what he did to me that night!
“Relax lang, Reve. Mag—ipon ka ng lakas para sa lalaking iyon. Huwag mo hayaang hindi mo siya makakausap sa gabing ito. Hindi ba at gusto mo siyang mahanap at pagbayarin? Ito na ‘yon,” sambit ko sa sarili ko habang nakatuon ang atensyon sa salamin.
I put a light powder on my face and a small amount of lips stick on my lips para kahit papaano ay hindi nila mahahalatang namumutla ako at kabado.
Nang kampante na sa aking imahe ay kaagad na rin akong humakbang papalabas nitong powder room. Sa puntong ito ay buo na ang isipan ko at iyon ay ang kausapin ang lalaking iyon at pagbayarin sa lahat ng ginawa niya noong gabing iyon.
I quickly take my step out from the powder room. Tuluyan na akong nakalabas at akmang babalik na sana ako sa mataong bar nang mabilis kong maramdaman ang isang mainit na presensya na bigla na lang pumapalupot sa aking palapulsuhan dahilan upang mapahinto ako.
“Let’s talk,” isang baritonong boses ang siyang bumalot sa pandinig ko.
Nanginginig ako at kaagad na binalot ng matinding takot nang makita ko ang kaniyang ekspresyon. He is looking at me like he is facing his prey.
Gusto kong bitawan ang kaniyang kamay at iwasan siya. I want to talk to him and accuse everything to him but not in the private place.
I feel like my whole life is threatened at this moment.