Chapter 16

2466 Words

NANG maihanda na ni Rachell lahat ng dadalhin nila sa sementeryo ay sumunod na siya sa Mama niya na nauna nang lumabas. Siya na lang ang nagsara ng pinto. Habang lulan sila ng jeep patungo sa sementeryo ay biglang sumagi sa isip niya ang matandang babae na nakasakay niya sa jeep kanina. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi maalis sa isipan niya ang senaryong iyon. May namamahay pa ring kaba sa puso niya. Pagdating sa sementeryo ay kaagad nagtirik ng kandila ang Mama niya sa puntod ng kanyang Lola. Magbuhat noong ikinasal siya ay hindi na siya nakakabisita sa puntod ng Lola niya. Habang taimtim na nagdarasal ang Mama niya ay taimtim din siyang nagdarasal. Kalagitnaan ng kanyang pagdarasal ay may kung anong mainit na hanging dumampi sa katawan niya, ngunit hindi lamang niya iyon ininda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD