“RACHELL?” Kumalma ang dibdib ni Rachell nang marinig niya ang malumanay na pagtawag ni Renzo sa pangalan niya. Iniisip na lang niya na binuksan nito ang pinto gamit ang susi nito. Lumabas siya sa kumot at umupo nang mamataan niya si Renzo na nakaluklok sa paanan niya. “Bakit nagsara ka ng pinto?” tanong nito. “Ah, nakalimutan ko. Pasensiya na,” pagsisinungaling niya. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ni Renzo. Wala namang nagbago rito. Hindi siya pumalag nang hawakan nito ang kanang paa niya saka minasahe. “Hindi ba maganda ang iyong pakiramdam? Bakit hindi ka makatulog?” pagkuwa’y tanong nito. “Nakatulog na ako pero bigla akong nagising.” “Bakit, masama ba ang iyong panaginip?” Hindi niya ito sinagot. Hindi lamang niya masabi na ito ang laman ng panaginip niya. Ngayon niya sisim