Austeja "Aus, hija..." Inihinto ko ang pagkain saka tumingin kay tita Elizabeth. "Po?" Nakangiti kong tanong kahit na dumaloy na ang nerbyos sa mga ugat ko dahil sa pagtawag sa akin ng tiyahin ko. Nandito kami ulit sa mga Archeron dahil weekend, at pinagsasaluhan sa harapan ng dining table ang hapunan. At wala akong ideya kung ano ang dahilan ng pagtawag niya sa akin sa kalagitnaan ng pagkain. Nagpunas muna ito ng magkabilang sulok ng bibig bago magsalita. "Napansin ko lang, hija... mukhang malapit na kayong dalawa ni Kamron?" aniya habang nakangiti. Sumulyap pa ito sa asawa. "Hindi kasi madalas ang batang iyon dito lalo na kapag wala naman ang Kuya Zigger mo. Pero kahapon, maghapon siyang nandito... pati kanina. Nitong mga nakalipas na araw rin, kuwento ng mama mo, maaga raw siyang