Austeja Maaga akong inihatid ni Zigger sa bahay nila upang makakuha ako ng mga damit na isusuot ko para sa pagpasok sa eskwela. Hindi na rin naman ito bumaba para samahan pa ako sa loob. Hindi na rin ako nagpahintay para makaiwas sa mga mapanghusgang mata ng kapatid ko. Hinayaan ko na lang siyang bumalik sa penthouse niya. Pero kahit naman hindi makita ni Althea na magkasama kami ni Zigger, siguradong iniisip na niyang doon ako natulog sa penthouse niya. I don't know why I didn't say no when Zigger asked me to sleep with him last night. Ang hirap niya kasing tanggihan. May parte sa akin na gusto na lang siyang samahan sa lahat at hayaan na lang ang kapatid ko. Magsumbong man siya o hindi, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang iwan si Zigger. I've long accepted everything about him. Mabu