Austeja Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong nagbihis saka na hinanap si Zigger. Nakita ko na kasi sa labas ang sasakyan niya pero wala naman akong update na natanggap mula sa kanya na nakauwi na pala siya. Pa-sikreto akong nagtungo sa silid niya ngunit wala siya roon. Ayoko rin namang magtanong sa mga kasama namin sa bahay kung nasaan siya. I texted him too, pero wala akong reply na na-receive. Hindi naman kaya, ibang sasakyan ang ginamit niya? "Ma'am, sino po ang hinahanap niyo?" Biglang tanong sa akin ng isang kasambahay na nakasalubong ko. Sandali akong huminto sa paglakad upang kausapin siya. "Nandito na po ba si Kuya Zig?" Nahihiya ko pang tanong. Napansin siguro niya na panay ang ikot ko rito sa loob ng bahay simula pa kanina kaya naisipan na niya akong tanungin. "A