Austeja Maliban sa narinig kong pagsinghap ni Zigger ay wala na akong ibang nakuhang reaksiyon pa mula sa kanya. Mas ginusto niyang ibalik ang buong atensiyon sa pagpipinta kaya pakiramdam ko ay napahiya ako. Mukhang hindi naman siya interesadong gawin iyong sinabi niya. Halatang wala siyang gana sa bagay na iyon. Pero hindi ako makapapayag na parang walang akong epekto sa kanya sa mga sandaling ito kaya inabot ko ang likuran ng bra na suot ko saka iyon ini-unhook. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Kitang-kita ko ang biglaang paghinto niya sa ginagawa at ang panliliit ng mga habang nakatitg sa akin. "What are you doing, Austeja?" Tanong nito sa marahang tinig. Ipinatong niya ang right hand nito sa itaas ng canvas. "Taking off my bra." Tuluyan ko nang inalis ang natitirang sap