Austeja Maaga kaming nagtungo sa ospital na pag-ma-may-ari ng kaibigan ni Zigger na si Adin kinabukasan. Dapat nga ay noong madaling araw, nagpunta na kami dahil muli akong nakaramdam ng panlalamig. Kahit si Zigger ay na-alarma roon dahil buong magdamag niya akong yakap. Hindi tumalab ang init ng katawan niya. But right after a few minutes, the chilling subsided. Kaya naghintay na lang kami hanggang sa mag-umaga. Na-inform na rin ni Zigger si Mrs. Almario ikansela na muna ang pagpunta sa bahay ngayon. Agad naman akong inasikaso ng doktora nang makarating kami sa ospital. Tinanong niya ang lahat ng mga nararamdaman ko nitong mga nakalipas na araw. Sinabi kong lahat sa kanya ang mga iyon. Wala akong kinaligtaan. Pati iyong pagkawalan ko ng gana sa pagkain. Ang hindi ko lang nasagot ay ku