Austeja "I already found someone who can help us remove the sucker," pahayag ni Zigger habang pareho kaming nasa harapan ng mesa, kumakain ng tanghalian. "Her record is clean, and she's been doing the job for seven years. She's good at it." Inihinto ko ang pagsubo ng pagkain. Actually, wala naman akong gana—lalo na't kasabay ko siya. Wala na ring mapaglugaran ang stress na nararamdaman ko, ngunit may kailangan na akong ingatan ngayon kaya kahit labag sa kalooban ko, ginawa ko pa ring sumabay kumain sa lalaking ito. Ayoko nang mag-isip. Ayokong magpakalunod sa problema dahil baka ako pa mismo ang maging rason para malaglag ang bata. Limang araw na ang lumipas simula nang malaman naming nagda-dalang-tao ako. At sa loob ng mga araw na iyon, wala akong ginawa kung hindi ang mag-isip nang m