Austeja "Aus..." rinig kong tawag ni Mama mula sa labas ng kuwarto. May pagmamadali kong inabot ang pintuan ng banyo saka iyon isinarado upang hindi niya marinig ang pagsusuka ko. Paggising na paggising ko ay masama na kaagad ang pakiramdam ko. Sobrang lansa rin ng panlasa ko kahit na wala pa akong kinain. Akala ko nga ay hindi na ako aabot sa banyo at masusuka na lamang sa kama subalit pagpasok ko naman ay wala namang lumalabas mula sa bibig ko bukod sa laway. "Austeja, dumaan ang kuya Zigger mo rito. Inihatid niya iyong mga damit na nakalimutan mo." Kusa akong napahinto sa pagsuka nang marinig ko ang sinabing iyon ng nanay ko. Parang may tumusok din na matalim na bagay sa likuran ko sa pangalang binanggit niya. Bakit kailangan pa niyang ihatid ang mga iyon dito? Akala ba niya ay ka