Austeja Kinabukasan ay ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko nang magising ako dahil sa buong magdamag yata akong umiyak. Natutuwa ako at masasabi kong okay na kami ng kapatid ko, subalit naging dahilan din si Zigger at iyong mga sinabi niya kay Althea para magpatuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Kung hindi ko lang siguro naramdaman ang pagkirot sa may puson ko, baka hindi pa ako tumigili. Pero naalala kong hindi ko na solo ang katawan ko. May bata nang nabubuhay sa loob ko, at hindi puwede iyong nagpapadala ako palagi sa emosyon ko. At least nabawasan ang bigat ng loob ko sa pag-uusap naming magkapatid. "Baka may gusto kang kainin? Sabihin mo na lang sa akin, ibibili na lang kita. O kapag may gusto kang ipalutong pagkain kay Mama, ako na lang ang magsasabi para hindi halatang nag