Nikko: Magdadalawang buwan ng mawala si Sofie. Gusto ko mang hanapin ito dahil sobrang miss ko na siya ay hindi pwede dahil masisira ang plano ko at kasama ko na ngayon sa iisang bubong ang babaeng kinasusuklaman ko si Mary. Kung alam lang niyang peke ang kasal nato at malapit ko ng mapatay ang tito niya. Napangisi nalang ako. What a poor s**t. Nasabi ko nalang sa sarili ko. Umalis nadin ako sa kompanya nila Sofie alam ko din namang darating din ang panahong yon sa oras na ikasal ako kay Mary. Nakaupo ako ngayon sa sofa at nanonood ng T.V ng tumawag si Geof. Ibinalita niya na natunton nila ang safe house ni Diego sa Batangas at nadakip ang mga tauhan nito kasama na ang libo libong shabu na nakapakete at milyong milyong salapi. Napangisi ako. Umpisa palang ito Diego matutunton din ki