Naglasing ako ng naglasing. Ang mga magulang ko ay nasa America at galit sila sakin kung alam lang nila ang totoong dahilan. Napangiti nalang ako ng mapait at tinawagan ko si Raven dahil nakauwe na ito ng pinas. Tinuring ko ng kapatid ang akala kong pinsan ko na si Raven. Alam niya ang lahat ng nangyare kaya naman ay siya lang ang kakampi ko. Ikinuwento ko din dito ang kasinungalingang ginawa ni Mary kaya maging ito ay galit na galit sa babaeng yon. Halos magdamag din kaming nagkausap at may sinabi pa itong may surpresa siya sakin kaya napatawa ako dahil ano nanaman kaya iyon. Bigla naman akong napapikit sa hilo dahil naubos ko na ang alak na iniinom ko kaya naman ay nagpaalam nako dito dahil inaantok na ako. Kinabukasan.... Nagising ako ng maramdaman kong may mabigat sa dibdib ko na