Sofia: Pumasok nadin ako sa loob ng hotel at wala na si Jacob. Umalis ito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa totoo lang ay nagiguilt ako sa sinabi ko sakanya. Halatang nasaktan ko siya. Bakit kasi ako pa hay. Kinabukasan ay balik ang lahat sa dati. Professional talaga si Jacob dahil kapag sa trabaho ay insinasantabi niya ang mga personal na problema. Dumaan pa ang isang araw. Balik trabaho na ako ng kahit nandito ako sa London. Pero hindi mahagilap ng mga mata ko si Jacob at alam kong may mali. Oo alam kong may mali dahil hindi naman ito nagpapabaya sa trabaho niya at maaga nitong ginagawa ang mga ito. Kinuha ko ang phone ko. Naglakas loob akong tawagan siya para mag sorry sa nangyare noong isang araw. Sobrang guilt padin ang nararamdaman ko. Sinagot naman niya i