(Flashback) Sofia: Bumaba na kami at nagulat ako dahil sa isang napaka gandang venue ng hotel ay punong puno na ng mga mayayamang tao. Mahahalata mo na mayaman ito dahil sa pananamit palang. Madami ang nagtinginan saamin dahil lahat sila ay nakaupo na sa kanya kanya nilang mga tables at nagkakasayahan. Huminto kami sa isang table at may mga nakaupo roon. Isang napaka gandang babae na naka black gown at isang matipunong lalaki na naka tuxedo katulad ng kay Sir. Ngumiti sila saamin at nakipag kamayan ang lalaki kay Sir Jacob. Pagkatapos ay hinalikan naman nito ang mga kamay ko. Ang babae naman ay humalik sa mga labi ni Sir Jacob at nagulat ako dahil parang wala lang sakanila yun. Hindi ko alam kung magkaano ano ang dalawang to napakaliberated nga naman sa ibang bansa. Pagkatapos niya