Sofia: Subsob ako sa trabaho puro trabaho lang hindi na ako nakasabay kay cheska na kumain sa canteen dahil tambak na ang trabahong naiwan sakin ng umalis ako. Kararating lang ng boss ko si Sir Jacob. Hindi niya parin ako pinapansin at di man lang tinapunan ng tingin. (Flashback) Kasalukuyan kong inihahanda ang lahat ng papers para sa proposal ni Sir Jacob sa business neto. "Ms De Ocampo hindi ikaw ang gagawa niyan." "Ha? E Sir ako po ang secretary niyo at kelangan niyo na po ito para bukas." Sabi ko. Kararating lang kasi namin dito sa London at nakacheck in kami ngayon sa Grange St. Paul hotel. Isa sa mga high class at 5 star hotel dito. "No. Hindi ka nandito para magtrabaho." "Ano? Eh diba sabi niyo may business proposal kayo kay-" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil muli s