Nagpatuloy ang laro at napapapikit na ako dahil sa hilo. Wala naman akong balak magpakalasing ngayong gabi, konti lang sana ang balak kong inumin kaso naparami yata. "Tired?" bulong ni Ride sakin. Nailang ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa bandang leeg ko. Tiningnan ko lang siya at umiling. Tumayo ako at humawak sa ulo ko. "Saan ka pupunta Aika?" "CR lang." tipid na sagot ko at maayos na umalis. Gusto ko ng umuwi at sa tingin ko ay wala akong choice kung hindi ang mag taxi. Mukhang nag eenjoy pa si Mika kaya hindi ko nalang siya pinuntahan at mauuna nalang ako. Nang makarating ako sa labas ay napasandal ako sa isang kotse at humawak sa ulo ko. Pumikit ako at tumingala. Ramdam ko ang hilo ko pero pilit kong ginigising ang diwa ko sa sobrang hilo at antok. Wala naman akong mapa