Message 29

1161 Words

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong nasa kwarto pala ako. Napahawak ako sa ulo ko sa sakit. Doon ko lang naalala na baka si Jake nga ang nagdala sakin dito. Napatingin ako sa suot ko. Naka sweater na ako pero nakasuot parin ako ng dress sa loob. Tiningnan ko ang oras. 6:48 am. Umaga na pala. Kamusta na kaya si Jake? Nahihiya tuloy akong humarap sa kanya, sa nagdaang dalawang taon siya palagi ang nag tatanggol sakin. Pakiramdam ko baon na baon na ako sa utang sa kanya. Para ko siyang kuya at gusto kong lagi siyang nandyan para sakin. Pero iba ang sitwasyon namin at alam kong hindi pwede yon kasi masasaktan ko lang siya. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo sa kama. Inayos ko muna ang buhok ko bago kumuha ng damit at nagbihis. Napatigil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD