Message 6

1181 Words
Naaalala na niya ako? Iyon ang tanong na pumasok sa isip ko kanina pa. Hindi agad pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya, ngayon lang ako natauhan sa mga sinambit niya. Naglolokohan ba kami? Pag naaalala ko yung sinabi niya kanina sa taxi. Pakiramdam ko may alam siyang hindi ko nalalaman. Palagi nalang bang ganito? Nakakainis na talaga siya. Anong ibig niyang sabihin doon? Na sinadya niya talaga akong iwan sa loob ng dalawang taon? Nasa ospital kami at kinakausap ni Louie ang doktor kanina pa. Nakahiga lang ako sa kama at may benda ang kanang binti ko, may sugat naman ang tuhod ko. Ang pagkakarinig ko lang baka mga ilang weeks ko pa hindi maigagalaw ang binti ko. Kasalanan ito ng three inches na heels. Hindi. Kasalanan mo iyan Aika. Shunga ka kasi. Hindi ko naman kasi alam na ganon pala kalawak ang school nila! Isa pa, nag ayos ako kahit papaano para sa kanya. Pero anyare ngayon? Abandonado ang kanang binti ko. Ni hindi ko nga maigalaw pa dahil kumikirot. Paniguradong inis ang isang iyon. Nang natapos niyang kausapin ang doktor ay nakahalukipkip siyang nakatingin sakin. Lumapit siya sakin at tumigil sa gilid ko. Umiwas ako ng tingin at napayuko. "You came here all alone?" panandalian kong inintindi ang tanong niya at dahan dahan akong tumango. Huminga siya ng malalim at kinuha ang upuan sa dulo ng room at nilagay niya sa tabi ng kama at umupo dito. "You should've called me at least. How can you just go in my school without informing me? Wearing some sexy dress with fuckin heels? I didn't left you for two years to be like this, Aika." napalunok ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. "A-Anong ibig mong sabihin? Kailan mo ako naalala?" nanatiling nakakunot ang noo niya at mariing nakatitig sakin. Hinilot niya ang sentido niya at pumikit. "You need to rest for now, you're going to stay in my house. We will leave at one" kinagat ko ang labi ko at inis siyang tiningnan. Pinunasan ko ang luha ko at umirap. Wala lang man explanations. Wala lang man sorry, wala lang lahat. Hindi ko talaga maintindihan. Nakakainis na! Nakakasawa yung pagiging ganito niya. Badtrip talaga! "Sagutin mo ako! Kailan mo ako naalala? Bakit hindi mo ako tinawagan man lang? Bakit hindi ka nagpakita? B-Bakit ayaw mo akong sagutin.." umiwas ako ng tingin at tahimik na umiyak. Sandaling katahimikan. Gaano ba kahirap magpaliwanag? Mahirap bang sumagot? Pinunasan ko ang luha ko at nagsalita. "Ayoko ng tumira kasama ka, ayokong tumira sa suite mo." matigas na sabi ko at umiwas ng tingin. Bahala siya! Uuwi na ako ng Pilipinas! Wala rin naman akong mapapala dito. Mukhang okay naman siya at nabubuhay naman siya ng maayos. "Your opinion is not needed. You're going to stay in my place. End of discussion." pinal na sabi niya. Hindi ako makapaniwalang lalong naging arogante ang ugali niya. "Nakatira ako sa suite ni Shin, nandoon ang gamit ko at--" "I'll get your things there." sabat niya. "Sleep first and--" mabilis rin akong sumabat at pinutol siya. "Ayoko! Gusto ko ng pumunta sa suite niya para makauwi na ako ng Pilipinas! Wala rin naman akong mapapala dito.." inis na sambit ko. Humiga ako at bahagya akong ngumiwi nang igalaw ko ang paa ko. Great. Just Great. Taas baba ang dibdib ko habang nakatingin sa bintana. Naiinis ako sa kanya. Ayoko ng may tinatago siya. Kung makaasta siya para talagang wala lang ang lahat ng nangyari. Tinitingnan niya ako na parang kailan lang, ni wala akong mahanap na ano man sa mata niya. Nakakainis ang ganitong feeling. "If you dont wanna rest, we'll go home." napairap akong muli at hindi siya pinansin. Narinig ko nalang ang malalim na paghinga niya at lumabas ng kwarto. Inis kong pinunasan ang luha ko. Para saan ba ang luhang iyon? Walang dahilan para umiyak ako. Hindi ako nagpunta dito para lang sa wala. Kinuha ko ang phone sa gilid ng kama at pumunta sa may messenger. Annett Ramirez Active 6 Hours Ago Magpapabook na akong ticket pauwi. Ayoko na dito, tulungan mo akong makakuha ng ticket as soon as possible. Pagkatapos ay tiningnan ko ang mga messages ko sa phone at nakita ko ang text ni Shin. From: +1 (505) xxx-xxxx Save my number -Your Crush. Agad ko iyong sinave pero hindi ko nga siya matawagan dahil iba ang sim card ko. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon at may kasama siyang lalaking nurse na may dalang wheel chair. Really? Wheel chair talaga? Mukha ba akong na car accident? Tss. "Ayokong mag wheel chair. Hindi naman ako nalumpo bakit kailangan pa niyan?" inis na sabi ko. Sinenyasan niyang umalis ang nurse at lumapit sakin. "Come on, I'll help you to sit here." lumapit siya sakin at bago pa ako makaalma ay hinapit niya ang bewang ko para buhatin. Napatitig ako sa mukha niya. Hindi na maliwanag ang ekspresyon niya, parang naging madilim palagi. Bakit pakiramdam ko sa aming dalawa, ako ang may nagawang mali? Nahigit ko ang hininga ko nang tumitig siya pabalik sakin. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hanggang ngayon siya parin. Siya? Ako parin ba? Nang mapaupo ako sa wheel chair ay inayos niya ang tapakan nito. Habang ginagawa niya iyon ay nagsalita ako. "Pwede bang mahiram ko ang phone mo?" tumaas ang kilay niya. "And who are you going to call?" "Basta pahiram." tatanong pa eh. "I already called Shin." inis ko siyang nilingon. Paano niya nalamang si Shin ang tatawagan ko? Kailangan kong kausapin si Shin, epal talaga. "H-Hindi si Shin ang tatawagan ko! Kaibigan ko dito.." umiwas ako ng tingin. Aish! Wala nga pala akong kaibigan dito. Meron pala, si Evans. Kaso wala akong number niya. Kainis. "Who?" tinulak niya ako palabas ng room. "Pake mo?" kumunot ang noo niya at iritado akong tiningnan. "Tatanong pa kasi.. Never mind! Wag nalang pala.." "Im not going to lend my phone if you're only going to call a boy." napaawang ang bibig ko at inis ko siyang tiningnan. Tiningnan niya din ako pabalik at tinaasan lang ng kilay. "Masama bang tawagan yung kabigan ko? Ganon? So ikaw? Pwedeng tumawag sa mga babae ganon? Tapos pwede kang makipag engaged sa Molina nayon? At least ako tatawag lang! Ang unfair mo talaga! Badtrip ka Louie! Badtrip ka talaga!" kinagat ko ang labi ko at pumikit. Taas baba ang dibdib ko at kanina pa ako yamot na yamot sa kanya. Uuwi na talaga ako ng Pilipinas. Wala akong balak makasama siya kung ganito lang naman siya palagi. Ha! Magsama sila ng Molina niya! I don't care! Nang nakalabas kami sa ospital ay dumiretso kami sa kotse na nakaparada. Pumunta siya sa harap ko at agad akong umiwas ng tingin. Badtrip. "This is humiliating. You don't even know what I've been through here and yet you're acting like.." tumingala siya at pumikit. Binasa niya ang bibig niya at tumitig sakin. "You're acting like it's all my fault. Be fair, Aika. I also suffered for two years knowing that you're already into Izmael." sabi nito na nagpatigil sakin. What? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD