Tahimik kami sa buong byahe, hindi ko rin naman siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
Natigilan ako nang tumigil kami sa isang malaking bahay. Nagtataka akong tumingin sa katabi kong kanina pa nakasimangot. "A-Akala ko sa suite mo sa hotel. K-Kaninong bahay ito?" tinanggal niya ang seatbelt niya at lumabas.
Okay! Nice talking! Fine! Iyan pala gusto mo.
Umikot siya papunta sakin at pinagbuksan ako ng pinto. Binuhat niya ako at kahit ayaw kong pahawak ay hindi rin naman ako pwedeng mag inarte. Sinakay niya ako at tinulak niya ang wheel chair papasok at nagsalita.
"This is my house." tiningala ko siya mula sa likod ko at sinamaan ng tingin.
Tss.
Hindi ko alam kung siya ang nag dedesign ng bahay niya. Sobrang cool kasi at ang ganda. Pati yung bahay niya sa Manila ang ganda din. Kung ikukumpara ang dalawa mas modern talaga ang bahay niya dito.Medyo open na kitang kita mo ang swimming pool sa loob na hinaharangan ng fiberglass at damang dama mo yung hangin.
Wow.
"Dalawa tirahan mo? May suite kana, may bahay ka pa?"
"We can't stay at my suite. Molina is there." napalunok ako sa sinabi niya.
"Di ko alam nag li-live in na pala kayo.." matabang na sabi ko.
"We're not living together, she goes there for business." kalmadong sagot nito.
Talaga? Anong business naman iyon? Bahay bahayan business? Lagi ngang pumupunta yang Molina mo sa hotel. So anong ginagawa niyong dalawa doon? Tch.
"Gusto ko ng umuwi.." bulong ko sapat na para marinig niya.
Kaming dalawa nalang sa bahay wala ba siyang sasabihin?! Kahit ano? Kahit mangamusta man lang ng "Hey btch how are you for the past two years?" Wala man lang kahit ganon?
"I'm not going to let that happen." sabi niya habang tinutulak ako papunta sa isang kwarto. May second floor ang bahay niya pero isang pinto lang ang nandoon at halatang kwarto niya iyon.
Sa baba talaga ako matutulog ganon?
"At bakit? Sino ka para pigilan ako?" iritadong sabi ko.
"I'm still your boyfriend." nanlaki ang mata ko at napaubo. Sarkastiko akong tumawa.
"Wow! At sino naman nagsabi sayo niyan?" binuksan niya ang pinto at tumitig sakin ng seryoso.
"We didn't broke up. We never did." tinulak niya ako papasok at halos mamangha ako sa kwarto. Pero nanatili lang akong nakatungo dahil sa sinabi niya.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Seryoso lang itong nag aayos ng comforter ng kama at tinatantya ang lakas ng aircon gamit ang remote.
Gusto ko ng explanations.
Kailan niya kaya ibibigay iyon?
Ayokong mag behave. Humanda siya. Hindi ako magbebehave. Naghirap ako ng two years tapos siya? Chill lang? Unfair! Gaganti ako!
"Bilis matagal pa ba iyan? Pagod nako." malamig na sabi ko.
Tumitig muna siya sakin ng matagal bago lumapit sakin. Hinapit niya ako sa bewang at sa hita at marahang binuhat papunta sa kama. Nailang ako sa paghawak niya sa bewang ko.
"Pwede namang hindi hawakan yung bewang ko. Manyak.." bulong ko at umiwas ng tingin.
Nakita ko ang pag ismid niya pero nanatiling kunot ang noo. Nilapag niya ako at nagulat ako ng hindi parin siya umaalis sa ibabaw ko. Nakasandal ang kamay niya sa headboard at nakatitig sakin.
Napalunok ako sa klase ng titig nito.
When will he learn to smile again?
Masyadong seryoso.
"Kung minamanyak kita, hindi lang bewang ang hahawakan ko sayo. Baka nakuha na kita matagal na." umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at nakalimutan ko yatang huminga.
Natulala ako saglit bago bumalik sa huwisyo. Hinawakan ko ang dibdib ko at hinabol ang hininga. Hindi ako sanay sa pagtatagalog niya. Minsan lang siya mag tagalog eh, big deal para sakin iyon.
Inis ko siyang tiningnan. Kinuha ko ang unan sa gilid ko at binato siya non. Pero parang bumato lang ako sa pader dahil walang epekto sa kanya iyon. Nasa pintuan na siya at nakahawak sa doorknob.
"Lumabas ka nga!" pakiramdam ko mainit sa loob ng kwarto kahit naka air-con.
"What do you want to eat for breakfast?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako--" bigla akong napahawak sa tiyan ko nang tumunog ito. Napapikit ako at napayuko. Pahamak. "Hindi ako gutom.." bulong ko.
"Alright. I'm just going to cook something." sabi nito sabay sara ng pinto.
Talaga? Marunong na siyang mag luto?
Ugh. Gutom na talaga ako. Ilang saglit pa akong tumitig sa kisama pero hindi talaga ako mapakali. Pinilit kong bumangon at pumunta sa wheel chair.
"Whoo! Kaya mo yan Aika, hindi ka naman pilay.." bulong ko sa sarili ko.
Humawak ako at sumuporta sa kama para makaupo. Pilit kong inabot ang hawakan ng wheel chair at nilakad ang kaliwa kong paa. Medyo masakit padin kasi ang kanang paa ko. Baka natuluyan na itong binti ko, bakit ang sakit?
"Aww!" napaupo ako nang biglang bumukas ang pinto at nawalan ako ng balanse. "Aray.." pumikit ako at hinawakan ang kanang binti ko.
"What the hell do you think your doing?" nagulat nalang ako nang nasa harap ko na pala siya.
"Kasalanan mo! Uso kasing kumatok, bigla bigla ka nalang pumapasok!" bwisit na sabi ko.
Kagigil din ang isang to. Kasalanan niya! Lahat ng kamalasang nangyayari sakin dahil sa kanya. Dahil masyado akong nagpapakatanga sa kanya.
And as I said, maghihiganti ako. Kaya sobrang natutuwa ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Hindi naman diyan! Ibaba mo konti! Ano ba nakakaintindi ka pa ba ng tagalog? Nagtagalog ka kanina kaya feeling ko naiintindihan mo naman ang baba ng konti!" hindi nalang siya umimik at patuloy na hinihilot ang kanang binti ko at nilalagyan ng ice pack.
Nasa kama ako at kumakain. Breakfast in bed ika nga. Habang siya, nasa paanan ko at hinihilot ang kanang binti ko. Kasalanan naman niya kung bakit sumakit mabuti lang ang ginagawa niya.
"Kanin pa." inabot ko sa kanya ang plato ng nakangiti.
Hindi ko akalain na sobrang sarap ng luto niya. Pwede na siyang mag master ng culinary sa luto niya. Hindi iyon over rated, sadyang masarap lang talaga.
"Tss." kinuha niya ang plato at tumalikod.
"Tubig pa pala! Yung medyo malamig na hindi mainit!" napasandal ako sa headboard at tiningnan ang kinain ko.
Pang apat na plato ng kanin ang hiningi ko sa kanya. Kaninang umaga pa ako walang kain, gutom na ako at sobrang sarap ng luto niya.
Huminga ako ng malalim at humawak sa tiyan. Kakapagod kumain.
Dumating na siya at nakahalukipkip ang mukha na parang bagot na. Nilagay niya ang bagong kuha niyang kanin sa plato ko at nilapag ang bitbit niyang tubig.
Aba, attitude!
"Masakit na kamay ko.." pagod na sabi ko.
"And?" nakataas kilay niyang sabi.
Ngumiti akong tipid. "Subuan mo ako." nginuso ko ang pagkain. "Lumapit ka dito, pakibilis gutom na ako." pilit akong ngumiti at lihim siyang inirapan.
"Your hand is perfectly fine. You can feed yourself." masungit na sabi niya.
"Fine! Ibalik mo ako sa suite ni Shin! Ayoko rin naman dito. Tingin mo ba gusto kong ma injured tong binti ko? Tss!" muli akong umirap at nag crossed arms.
"Tss." naramdam ko ang pagalog ng kama dahil sa pag upo niya. Nilingon ko siya at nakita kong sumandok siya ng isang kutsarang kanin.
I secretly smiled.
"Ah." sabi ko sa kanya at hinihintay siyang subuan ako. Napangiwi siya sa ginawa ko at umiling bago sinubo sakin ang pagkain.
"Damn it. Why am I even doing this?" muntik na akong matawa sa binulong niya.
Ikaw ang mag behave Louie, pahihirapan pa kita.
--