Pagkasakay ko nang Taxi ay lumandas ang napakarami kong luha. Tangina! Ang sakit sakit! Napatingin sa akin ang Driver ng Taxi, nakakunot ang noo niya. Siguro nagtataka siya kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko nalang kung ano ang address ko at tahimik na lumuluha. Nag ring ang phone na ibinigay ni Knight sa akin, sigurado akong siya lang ito kaya hindi ko sinagot. Namatay na lang ito sa tagal ng pagriring, pinahid ko ang mga luha ko. Bakit, Knight? Am I not enough for you? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko man lang siya nilapitan para magtanong pero kung ikaw ba ang nasa posisyon ko kanina ano ang iisipin mo? 'Yong kasintahan mo may kausap na ibang babae tapos nangiti pa siya sa babaeng 'yon and then they kissed. Not just a kiss na smack lang or sa cheeks, nagkalapat ang mga labi nila at ni