Nagising akong wala na akong katabi kaya tumayo na ako para pumasok sa banyo, naglinis muna ako nang katawan ko bago lumabas ng kwarto ko at dinatnan ko si Knight na nasa kitchen at nakaupo ito. Mukhang tapos na siyang magluto at nagkakape na ito, may itlog at sinangag ng nakahain sa mesa kong maliit. Dumiretso ako sa maliit na fridge ko at kumuha ng tubig at uminom. Narinig ko siyang tumikhim. "Good morning, baby. Himbing ng tulog mo ah, hindi na kita ginising para makapagluto na ako nang agahan natin." Nakangiti niyang sabi sa akin, tumango na lang ako sa kanya at umupo narin para makakain na. Napawi ang ngiti niya, "Kain ka na." Pag-aya ko sa kanya at nag-umpisa ng kumain. Napabuntong hininga ito at umupo na sa harapan ko. Panay ang sulyap niya sa akin pero patuloy lang ako sa pagkain