Mahigit isang linggo na ang nakakaraan simula noong kumanta sila Knight sa Gymnasium at simula rin ng araw na iyon ay wala siyang palya sa pagbibigay sa akin ng kung anu-ano katulad ng bulaklak, chocolates at mga letters. Ilag rin ako sa grupo nya, kapag malapit sila sa akin ay ako na ang lumalayo pero sadyang matigas ang ulo ni Knight kasi kahit anong taboy ko sa kanya ay lumalapit parin siya sa akin. Napabuntong hininga ako ng makakita ako ang isang white rose sa upuan ko, kinuha ko ito at inamoy. Ang bango, nakaramdam ako ng tuwa pero hindi ito tama. Alam kong hindi ito dapat ang nararamdaman ko, kaya nga ako na mismo ang lumalayo. Kinuha ko ang letter na nakakabit sa tangkay ng white rose. To the woman I love the most, Hey, good morning. Did you had a great sleep last night? I hope