Monday na naman at kailangan kong pumasok sa school, as usual ganoon parin ang routine ko araw araw bago pumunta ng school. Dala ko narin ang cheque na nagkakahalaga ng Php100,000 para pambayad sa utang ko kay Knight. Nanghihinayang man ako sa pera ay kailangan ko talagang gawin ito para matapos narin ang problema ko. Nakaupo na ako sa library at nagbabasa, bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari sa akin this past few days. Sabi nya liligawan nya ako pero umayaw ako, sana lang ay wag na nya akong kulitin pa. Pero napaisip din ako, Paano kung gawin nya talaga ang sinabi nya na ligawan ako? Anong gagawin ko? Natatakot ako sa pwedeng mangyari o sa pwedeng maramdaman ko para sa kanya, kasi alam ko na may iba narin akong nararamdaman para sa kanya kaya nga gumagawa na ako ng paraan