Hindi na nga ako nakapasok ng buong araw kahapon sa klase ko, hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Knight kahapon sa akin. Parang echo iyong pabalik balik sa utak ko, hindi pa ako nakatulog ng maayos ng dahil 'don. Naglalakad ako papasok sa kanila ni Aki at Aya, bitbit ang mga plastic na may mga lamang groceries. Good for one week ang pinamili ko para sa kanila, may bigas din akong binili para sa kanila. Mga ten kilos, good for two weeks na siguro ito since dalawa lang naman sila. Magluluto rin ako ng Chicken Adobo para sa kanila. Nagtatanong tanong din ako kung saan mismo ang bahay nila Aki at Aya rito at ngayon narito na ako sa tapat ng bahay nila. Maliit lang ito, mas maliit pa sa bahay na inuupahan ko. Makikita mo rin na luma na talaga ang bahay nila at may