Maaga akong umalis ng bahay kanina para maayos ko na ang pambayad ko kay Knight, ayaw ko mang gamitin ang perang iyon ay wala akong magawa. Siguro babayaran ko nalang kapag nagkatrabaho na ulit ako, babalik ako sa Lave Caffee after a week. Mamayang hapon na ako papasok since tanghali na naman, sabado naman na bukas eh.
"Oh Steph, may naghahanap kanina sayo." Kumunot ang noo ko, sino naman ang maghahanap sa akin? "Sino raw po sila?" Pagtatanong ko, umiling si Aling Nida na kapit bahay ko. "Hindi sinabi ang pangalan eh, hinintay ka nya mula 7A.M at ngayon ngayon lang din sya umalis." Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Oh siya, alis na ako." Tumango nalang ako kay Aling Nida, pumasok na ako sa bahay at umupo na muna sa maliit kong sofa. Mamaya nalang ako aalis, 1P.M pa naman ang sunod ko na klase at alas dose palang ng tanghali. Kamusta na kaya sila Aya at Aki? Nakakain na kaya silang dalawa? Ang dalawang bata na yon gusto ko silang tulungan, kung pwede lang ay gusto ko sana silang i adopt kaya lang ay hindi pwede dahil nag-aaral din ako. Hindi ko rin naman sila maaalagaan at wala naman akong sapat na pera para ipangbuhay at pang-aral sa kanilang dalawa.
Napangiti nalang ako ng makita ko ang mukha nilang dalawa sa pagpikit ng mga mata ko, ang mga ngiti nila na para bang ang saya-saya parin nila kahit na wala silang pamilya, na kahit na hindi sila makakain ng maayos araw-araw. Balang araw kapag nakapagtrabaho na ako ay kukunin ko sila, ako ang tatayo bilang magulang nilang dalawa. I smiled with that thought, I will take care and I will love them like my own blood and flesh.
Tumayo na ako at nag-ayos ng konti para makaalis na ako, ni lock ko muna ang pinto ng bahay ko at ang gate. Naglalakad na ako ngayon papuntang school, buti nalang at hindi pa mainit kahit na tanghaling tapat na ngayon at mahangin kaya hindi ako mangangamoy pawis at init.
Pagkarating ko sa school ay diretso na kaagad ako sa room namin kung saan ang sunod na klase namin, may mangilan ngilan narin akong mga ka klase na narito na. May ibang pumansin sa akin may iba namang deadma lang, I don't mind it anyway. Kahit naman ako ay ganon din ako sa kanila, ilang minuto pa at umingay na. Diretso lang ang tingin ko sa whiteboard.
"Mauuna ng 20 minutes mamaya ang dismissal nila Andrew, nagtext siya sa akin." Narinig ko ang boses ni Kent, nandito na ang mga taong iniiwasan ko. Naka poker face lang ako, ganito naman ako palagi dba? "Himala yon ah!" Masiglang sabi ni Keyrha, sumang-ayon ang iba. May umupo sa tabi ko, si Knight. Hindi ako umimik o lumingon man lang para malaman kung sino ang nasa tabi ko, amoy palang ng pabango nya kilala ko na. I heard him cleared his throat, napatingin ako sa bintana kung saan may matataas na puno.
"Hindi ba sumasakit ang leeg mo?" I heared him talking and I am not stupid to not to know that he is talking to me, still I remain silent. "Hindi ka pumasok kanina, what happened?" Hindi parin ako sumagot sa tanong nya, ano naman ang pakialam nya kung hindi ako pumasok? Kahapon parang galit na galit siya sa akin tapos ngayon? Napairap ako. "About what happened yesterday, I'm so-----" Hindi na nya naituloy ang sasabihin ng dumating na ang Professor namin.
Mabuti naman. Tsk. Nakinig nalang ako sa Professor namin, ilang beses napagalitan si Knight dahil sa hindi ito nakikinig. Nakatingin lang ito sa akin at pilit na hinahawakan ang kamay ko pero hindi ko siya hinahayaan, ilang beses nya narin akong sinubukang kausapin pero wala lang akong imik sa tabi nya.
4:30P.M na at uwian na namin, nasa labas na ang mga kaibigan nya na taga accouting. Naghihintay sa kanila. Dali dali akong tumayo para makauna na sa paglabas, nakasalubong ko ang mga tingin ng mga kaibigan nya pero hindi ko rin sila pinansin. Malalaki ang bawat hakbang ko, "Nicole!" Sigaw nya, kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. "s**t, Nicole wait!" Ay bwesit! Hindi na maipinta ang mukha ko, halos patakbo narin ang paglalakad ko.
May humablot sa braso ko kaya galit akong lumingon, "What the f**k is your f*****g problem?" Hingal na hingal ito, hawak hawak nya parin ang braso ko. Gamit ang isa ko pang kamay ay pilit kong kinakalas ang pagkahawak nya sa braso ko, pero tangina! Parang bakal, ayaw nyang pakalas! "Bitaw!" Galit kong sabi sa kanya, marami na ang nakatingin sa amin but I don't give a damn! Ang gusto ko lang ay makawala sa mahigpit nyang pagkakahawak sa braso ko.
"f**k!" Inis kong sabi, salubong ang kilay nya sa bawat pagmumura ko. "Ano ba! Bitawan mo ako! Ano bang problema mo? Bi----"
"Ikaw ang problema ko! So can you shut up now and let me talk?" Hah! Ako pa ngayon? Ako pa ang problema nya? Siya pa ang galit sa akin? Ako nalang palagi! Tangina! "Hindi! Aalis na ako, uuwi na ako. Kaya pwede ba? Bitawan mo na ako! s**t!" Ang sakit na ng braso ko sa pagkakahawak nya, kinaladkad nya ako pero tinadyakan ko siya para makawala ako. Mabilis akong tumakbo palabas ng school, bwesit lang!
Kinabukasan
Friday na ngayon at wala ng pasok bukas, plano kung pumunta sa kanila ni Aki at Aya para bumisita sa kanila. Dadalhan ko sila ng pagkain at mga kailangan nila. Na mimiss ko na silang dalawa, tinanong ko kay manong guard na naghatid sa kanilang dalawa kung ano ang sinakyan nila Aki pauwi ng nakaraang araw at kung nabanggit ba nila kung saan sila nakatira, nalimot ko na kasing itanong sa kanila eh.
Fortunately ay nasabi nga ni Aya sa kanya, sobrang daldal kasi ng batang iyon. Excited na ako para bukas.
Simula kaninang tumapak ako sa school na ito ay parang gusto na akong kainin ng buhay ng mga estudyanteng babae dito, they are glaring at me na para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanila. Kumibit balikat nalang ako, bahala sila sa tinging gusto nilang ibigay sa akin. As if I care, ha! Hindi naman nila ako pinapakain o binabayaran ang tuition ko rito. Sabihin at gawin nila ang gusto nila as long as hindi nila ako natatapakan.
"Nicole!" Biglang sumama ang ihip ng hangin, nandito na naman siya. Tsk. Diretso lang ang lakad ko patungo sa classroom namin, "I know may kasalanan ako sayo, hey! Teka naman! Nicole." Dali dali parin akong naglalakad, ayaw ko siyang makausap kahit isang segundo. Tama na ang narinig ko mula sa kanila. Hinawakan nya ako sa braso kaya pagalit akong lumingon sa kanya.
"Ano ba! Hindi mo ba naiintidihan na ayaw kitang makausap? Pwede ba? Wag muna akong kausapin!" Halos umusok ang tenga at butas ng ilong ko sa galit, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Tumalikod na ako at nag-umpisang lumakad ulit. "Sorry na Nicole, hindi ko sinasadya. Nag-alala lang ako sayo, hindi ko alam kung saan kita hahanapin ng araw na yon. Tapos ng nahanap na kita maririnig ko na may mahal kang iba? Tangina lang!"
"Ano bang pinupunto mo? Ano naman sayo kung meron man o wala? Ano ba kita?" Nahilamos nya ang dalawang kamay nya sa buhok nya, parang sobrang frustated nya. "Manhid kaba talaga?" Na blangko ang mukha ko, nakatitig siya sa mga mata ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko, "Ganoon ka naba kabato para hindi maramdaman?" Nalilito ako, naguguluhan. Hindi ko siya maintindihan, ano ba ang sinasabi nya?
"Kung wala kanang sasabihin, aalis na ako. Malalate na tayo sa klase natin." Tinabig ko ang mga kamay nya, at tumalikod ulit. Pero agad naman akong napatigil, para akong napako sa tinatayuan ko.
"Mahal kita, Nicole." Sigaw nya.
Parang tumigil ang ikot ng mundo ko, mahal nya ako? Paano? Bakit?
Hindi ko na namalayan na nasa tapat ko na pala siya, seryosong nakatingin sa akin. "Narinig mo ba ang sinabi ko? Mahal kita, Nicole. Ewan ko kung paano at kailan. Pero ito na, mahal na kita." Nakatingala lang ako sa kanya, natulala yata ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko baka nagkamali lang ako ng dinig o baka na nanaginip lang ako. "H-hindi." Sa wakas at may lumabas na na salita sa akin.
"Anong hindi? Tangina! Mahal kita, gusto mo bang isagaw ko pa sa buong mundo? Noong narinig ko na may mahal kang iba nagselos ako kaya nagalit ako, my actions, lahat yon dahil mahal kita." Bumalik ang mga pangyayari na nagiging sweet siya sa akin, the way he cared and when he hugged me when I cried. "I got jealous in a kid? f**k!" Sabi nya, inabot nya ang kanang pisnge ko at hinimas gamit ang thumb nya. "Sorry na, I love you. Maniwala ka." Napaatras ako.
Umiling ng ilang beses, pagkadismaya ang lumarawan sa mukha nya. "Nicole." Mahina nyang tawag sa pangalan ko, parang hirap na hirap siya. "N-nagkakamali kalang, h-hindi yan totoo." Nauutal kong sabi. Umiling ito at lumapit ng dahan dahan sa akin.
"This is real, alam kong ang dali lang pero naramdaman ko na. Masisisi mo ba ako? Alam ko na totoo ang nararamdaman ko, I never felt this before." Umiling ulit ako, hindi pwede. Hindi. Ayoko nito. Hindi dapat. "Nicole, galit kalang sa akin. Kaya kong patunayan kung gaano kita kamahal." Lumapit na naman siya, umatras naman ako. Hinawakan nya ulit ang kamay ko. Nagulat ako, bakit parang may kuryente?
Itinulak ko siya. "Wag kang lalapit, lumayo ka." Sabi ko sa kanya at ng hindi siya sumunod ay tumakbo ako ng pagkabilis bilis palabas ng campus. Naririnig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero ng lumingon ako ay pinipigilan na siya ng mga kaibigan nya. "Tangina! Bitawan nyo ako, Nicole! f**k, bitaw!" Sigaw nya.
Hindi ko na narinig ang boses nya ng makalabas na ako ng tuluyan sa campus, napaupo ako sa isang bench. Sapo sapo ko ang dibdib ko, parang may mga kabayo na nagsisipagtakbuhan sa dibdib ko. Parang kinakapus ako ng hininga.
Mahal nya ako?
Umiling ako, baliw na siguro yon. Hindi kami pwede, sa status palang ng buhay namin ang layo layo na.
_____________________________
Napadali ang scene, lels.
~Mexica