Chapter Thirteen

1994 Words
Nakakailang, that's how I describe what I'm feeling right now. Nasa Mall na kami, maglalaro raw sila, hindi ko alam kung saan banda sila maglalaro rito. Maya-maya pa ay may nakita akong malalaking words, World of Fun. Marami ka ngang pwedeng laruin dito, may mga video games at marami pang iba. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila, halatang miss na miss nga nila ang isa't-isa. Kasama nila ang apat na babae, habang ako ay nandito lang sa gilid. Kaibigan, matagal ko ng kinalimutan ang ganyang kataga. Hindi na ako naghahangad na may magiging kaibigan pa ako dahil ako mismo ay ayaw kong magkaroon. Hindi ko alam kung ano ang turing nila Key sa akin, kung kaibigan nga ba nila ako para sa kanila o wala lang. Kasi ako hindi ang sagot ko, call me whatever you want but I won't call them my friend. Sila Knight masaya silang naglalaro ng basket ball at nasa likod nila sila Key, pares pares, except kay Knight. Napatingin sa akin si Alisson nagtitigan kami pero sa bandang huli ay nagbaba ito ng tingin, nakita kong lumungkot ang ekspresyon nya. "Kuya! Gusto kong Ice Cream, bili tayo. Sige na, Kuya." Napatingin ako sa dalawang bata, tansya ko nasa limang taong gulang na ang isa na nanghihingi ng Ice Cream while ang tinatawag nyang kuya ay nasa labindalawang taong gulang. Lumungkot ang itsura ng kuya nya, "Sorry, Aya. Wala akong pera eh." Malungkot na sabi ng kuya nya, ngumiti ang tinawag na Aya. "Okay lang kuya, dba sabi ko punta lang tayo dito para gumala? Sorry, Kuya huh? Hindi na ako manghihingi, promise po." Ngumiti pa si Aya. "Promise ko sayo, kapag nagtatawag ako ng pasahero araw araw mag-iipon ako. Bibili tayo ng maraming ice Cream." Hinahaplos nya ang mukha ni Aya, nakaluhod ito para magpantay silang dalawa. Yumakap si Aya sa leeg ng kuya nya. Nag-iwas ako ng tingin, maraming bumabalik sa akin na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam pero kusang lumakad ang mga binti ko papunta sa kanilang dalawa. Napatanga si Aya sa akin, "Hello po, anong maitutulong namin ng kuya ko sa inyo?" Magiliw nyang tanong. Ang taba ng pisnge nya, ang sarap pisilin. "Aya! Ano kaba! Dba sabi ko sa iyo na wag na wag kang kakausap ng hindi natin kakilala?" Mahinang sabi ng kuya nya, napalabi naman si Aya. "Kuya, wala naman tayong kakilalang iba rito eh." Malungkot nasabi nya sa kuya nya, nakasuot silang dalawa ng simpleng damit at kupas na ito. "Ako si Stephanie, hindi ako masamang tao. Narinig ko gusto mong kumain ng Ice Cream?" Tanong ko kay Aya, nakita kong kuminang ang mga mata nya sa tinanong ko. Napatango ito, kitang kita ko naman ang pagdis-agree sa mukha ng kuya nya. "Pwede nyo akong tawaging Ate Steph, kakain tayo ng Ice Cream. Okay ba yon?" Nakangiti kong sabi, aayaw pa sana ang kuya nya ng hatakin na kami ni Aya papasok ng Ice Cream parlor. "Anong gusto nyo?" Tinuro ni Aya ang chocolate flavor, napatingin ako sa kuya ni Aya pero nag-iwas lang ito ng tingin. Tatlo nalang ang ni order ko ng kaparehong flavor, pagkatapos ibigay ang Ice cream sa amin at pagbayad ay umupo na kami sa isang bakanteng table. Masayang masaya si Aya habang kumakain, habang ang kuya nya ay hindi ginagalaw ang sa kanya. "Kainin mo na, matutunaw na oh? Sayang naman." Nahihiya man ay nag-umpisa na itong kumain, pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Kinukulit ni Aya ang kuya nya at tumatawa naman ang kuya nya. "Ang sarap kuya, ano? Thank you po, Ate Tep." Napangiti ako, Ate. Matagal narin pala simula ng may tumawag na Ate sa akin. "Ate Steph yon, Aya. S-salamat po." Nahihiyang sabi ng kuya nya, "Yon parin yon kuya! Hindi nga nareklamo si Ate eh! Ate Tep, ang ganda mo po. Sana paglaki ko maging ganyan rin ako kaganda." Ngumiti nalang ako sa kanya, ang saya ng pakiramdam ko ngayon. "Saan kayo nakatira? At nasaan ang mga magulang nyo?" Pagkarinig nila ng salitang magulang ay nalungkot sila, ulila naba sila? "W-wala na po sila, limang taong gulang palang si Aya ay patay na sila. N-asagasaan sila at..." hindi na natapos ng kuya nya ang gusto nyang sabihin ng umiyak ito, umiyak narin si Aya. Oh gracious! They are too young for this, niyakap ko sila at pinapatahan. Kinagat ko ang dila ko sa emosyong matagal ko ng kinalimutan pero bumabalik parin. "Tahan na. Sshh." Iyak parin sila ng iyak, niyakap ko sila ng mahigpit. I know they need comfort and love. Kahit yon nalang ang maibigay ko sa kanila, okay na ako. Bakit ba kailangan nilang maramdaman ito? Bakit kailangang sila pa? Bakit kailangang mangyari yon sa mga magulang nila? They don't deserve this. "S-salamat po, A-ate." Humihikbing sabi ni Aya, pinunasan ko ang mukha nila gamit ang panyo ko. Ngumiti ako sa kanila. "Alam ko ayaw nilang iwanan nya kayo pero lahat ng ito may dahilan, kailangan nyong maging matatag habang nabubuhay kayo. Alagaan nyo ang sarili nyo, huh?" Sabi ko. Tumango naman silang dalawa. "Ako po si Aki, Ate. Dalawa nalang kami ni Aya, may bahay po kami sa isang iskwater area malapit sa tulay. Wala po kaming ibang pamilya rito, nagtatawag po ako ng pasahero para may pagkain kami ni Aya araw araw. Minsan po binibigyan po kami ng mga kapit bahay namin ng pagkain kapag may sobra sila, nag-iipon din po ako para mapa-aral ko si Aya. Hanggang grade four lang po ako, 12 na ako at si Aya naman ay 6 na. Gusto ko po kapag 7 na si Aya ay makapag-aral na siya, gagawin ko po ang lahat wag lang magutom ang kapatid ko." Nag-iinit ang bawat sulok ng mga mata ko, "Sabi nga ni Aya noong nakaraang araw ay gusto nyang pumunta sa isang Mall kaya po dinala ko siya rito, kaya lang wala po akong ekstra na pera. Pamasahe nalang ang meron ako ngayon at para sa hapunan namin mamaya." Malungkot na saad ni Aki, itinayo ko silang dalawa. "Saan po tayo, Ate?" Tanong nilang dalawa sa akin, pumasok kami sa Jollibee. Namangha sila sa malaking statue ni Jollibee, wala man lang akong camera para kuhanan sila ng litrato. "Upo muna kayo doon, o-order lang si Ate." Tumango naman silang dalawa at umupo sa bakanteng upuan. Umorder na ako at ilang minuto pa ay okay na ang order ko, ibinigay ko sa kanila ang dalawang supot pagkadating ko sa pwesto nila. "Kainin nyo yan mamayang hapunan." Nanlaki ang mga mata nila. Niyakap nila akong dalawa, mahigpit na mahigpit. Napangiti ako at niyakap sila pabalik. Bumubulong sila ng salamat sa akin, maya maya pa ay nasa labas na kami. Kahit anong pilit ko na samahan sila sa pag-uwi ay hindi ko nagawa. Sabi ni Aki sa susunod nalang daw at gabi na, it's already 6P.M. "Aki, wag pababayaan si Aya huh? Mag-ingat kayo palagi, bantayan nyo ang isa't isa." Nakaluhod ako sa harapan nila at hinahaplos ang buhok nila. Tumango tango silang dalawa sa akin. "Mag-ingat kayo pauwi." Pagpapaalam ko sa kanila, naglalakad na silang dalawa. "Ate!" Tumatakbo sila papunta sa akin, hinalikan nila ako sa magkabilang pisnge ko. "Salamat po ng sobra, punta ka sa amin Ate huh?" Tumango ako. "Mahal ka po namin, Ate." Nagulat ako sa sinabi nila, sa ganoon kadaling panahon mahal na nila ako? Wala na sila sa harap ko, malayo na sila at kumakaway sa akin, ng hindi ko na sila makita. "Mahal ko rin kayo, Aya at Aki." Nakangiti kong sabi, sa mabilis na panahon naramdaman ko iyon sa kanila. Kulang sila sa pagkalinga ng isang magulang. "Sinong, Aki?" Galit ang tinig nito, napawi ang ngiti sa labi ko. Napalingon ako sa likuran ko. "Alam mo bang kanina pa kami naghahanap sayo? Halos libutin na namin ang buong Mall. Tangina" Nag-iwas ako ng tingin, hindi ako nagpaalam kanina sa kanila na aalis ako. "Ni hindi ka man lang nagpaalam na sasama ka lang pala sa lalaki mo! Pinag-alala mo pa kami, akala namin kung ano na ang nangyari sayo, yon pala may kasama kang iba?" Galit na galit ang mga mata nya, napatingin ako sa mga kaibigan nya. May halong inis rin sa mukha nila except kay Alisson at Alice. I stared at them blankly, ganon pala ang iniisip nila? Gusto kong ngumiti ng mapait, but I'm still on my blank face. "In the first place sinabi kong ayaw kong sumama." Walang ka emo-emosyon kong sabi, "So kasalanan pa namin? Kung hindi lang naman dahil kay Ellaii wala karin dito eh." Mataray at naiinis na sabi ni Keyrha, hinawakan ni Kent ang kamay nya na para bang pinipigilan ito. Tinitigan ko siya mata sa mata, ganon din ang ginawa nya. "Kung sinabi mo lang sana na iba pala ang gusto mong makasama edi hindi ka nalang namin sinama. We just wasted our time finding you, nakakagago lang." Sabi ni Andrew. I swallowed hard. I closed my fist, magsasalita pa sana si Kendra ng inunahan ko. Sino sila sa akala nila? "I don't belong in your group nor in your status, sino nga lang ba ako kumpara sa inyo? I am just nobody." Pag-uumpisa ko. Tangina! Masakit parin pala, lahat bumabalik na naman. Ang sakit sakit! Pinagtutulungan nila ako, ganito rin noon. Ganitong ganito rin, walang kakampi. "May kasama ako oo, hindi ko itatanggi yon sa inyo. Bakit hindi ko nasabi? Bakit hindi ako nakapagpaalam? Hindi ko rin alam, kusa nalang akong sumama sa kanila kanina sa kapareha ng antas ko sa buhay. At isa pa araw nyo ito, bonding nyong magkakaibigan. Kung huhusgahan nyo lang ako basi sa naririnig nyo at kung ipapamukha nyo lang sa akin na kung hindi dahil sa kaibigan nyo o dahil sa inyo ay hindi ako makakapunta o makakaranas ng bagay na para lang sa mga katulad nyo it's better to part our ways. Just like before, hindi ko kayo kilala at ganoon din kayo." I am stopping myself to cry, alam ko na hindi ko na kaya pero sabi ko hinding hindi na ako iiyak. Lahat ng nararamdaman ko ay may malalim akong dahilan na ayaw ko na sanang balikan pero kapag pala nangyari na ulit at naramdaman mo na hindi mo na pala mapipigilan, gaya ng nangyari sa cafeteria at ngayon. "Pasensya na kung pinag-alala ko kayo, kung napagod ko pa kayo, kung nasira ang masayang bonding nyo sana ngayon at sa abala. I will be paying my debt in your friend, not as a maid but in cash." I saw Key smirked at me, "As if may pambayad ka, mahirap ka lang." Nanunuya siya. "Key!" Medyo galit na sabi ni Kent sa kanya. She just rolled her eyes. May halong lungkot at awa ang mga mata nila Alisson at Alice, f**k! Pagod na pagod na akong maging kaawa-awa. Magsasalita pa sana si Knight ng may dumating na guard, ngumiti ito sa akin. "Ma'am, nakasakay na po ng maayos ang dalawang bata. Masayang masaya silang dalawa sa binigay nyo. Ang daldal ni Aya, kaya na pagsasabihan ni Aki" When I heard those words from the guard ay may saya akong naramdaman, ngumiti ako ng tipid kahit na masakit ang loob ko. "S-salamat po." Sumaludo na ang guard at umalis na. Sinamahan sila ng Guard kanina since ayaw nila akong pasamahin sa kanila pauwi, hanggang sa sakayan lang naman sila sinamahan ng guard na kinausap ko kanina. Nakita kong kumunot ang noo nila Knight, at unti-unting napatingin saakin. Umawang ang bibig nila. "Just give me one week and I'll pay you, no more no less." Tumalikod na ako at naglakad ng mabilis. I don't owe them an explanation, tama na ang nasabi ko at narinig nila. Marami na silang nasabi na masasakit na salita, may kasalanan ako, oo pero hindi yon rason para husgahan at pagsalitaan nila ako ng ganoon. Wala akong pakialam kung ano man ang isipin nila tungkol sa akin, kung ano ang nasa isip nila, so be it. As if I care, I don't give a damn anyway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD